

RND Salary Range
Hello po! 😊
I’ve been trying to apply to different private agencies lately, and I’m looking forward po sa mga possible interviews and, of course, salary offers.
Ask ko lang po sana, based on my credentials, ano po kaya yung possible salary range na pwede kong i-negotiate?
• Graduated Cum Laude
• 3 years of clinical/hospital experience
• With a Master’s degree (UP)
• With relevant seminars and trainings
I’d really appreciate your advice po, especially on how much I can reasonably negotiate based on my qualifications.
Thank you so much po in advance! 🤍
Nutritionist-Dietitian sa Dialysis Center
Ask ko lang, may mga dietitian ba dito sa dialysis center? I heard may hiring dito malapit sa amin. May I know ano range ng salary? Full time kaya yun if ever? And, ano usual ginagawa / routine ng dietitian sa dialysis center?
Thanks in advance. Gusto ko na kasi mag resign sa current hospital ko. Toxic ng workmates and ang layo din kasi ng home address ko sa hospital ko ngayon. Lugi sa pamasahe.
The Right Time That Never Came
Masaya ako na naging magkaibigan tayo. Pero naaalala mo ba ang mga panahong muntik na? Hindi man ako sigurado, pero alam kong doon papunta ang lahat. Naaalala ko pa noong sinabi mo sa akin, “May sasabihin ako sa’yo sa tamang panahon.” Sinabi mo pa na baka sa third year. Even if you didn’t say it, I knew you admired me. The way you stuttered whenever we were having simple conversations back then, kung paano ka nahihiya tuwing nagkakaroon tayo ng simpleng encounter, that one time you offered to carry my extra bag that was full of books, and that one time you borrowed my phone, took a selfie, and even made it my wallpaper. Those were simple actions of yours na kunwari ay balewala lang sa akin, pero ang totoo, tandang-tanda ko pa rin. Iniisip ko rin talaga ang mga iyon. I admired you too. Since 2018, our first year in college.
I held on to your statement, “May sasabihin ako sa’yo sa tamang panahon.” Sinabi mo pa na sa third year. Inisip ko noon, bakit sa third year pa? Then I realized, maybe you considered my goals. Alam mong focused ako sa pag-aaral at palagi kong iniisip at pinapangarap ang magkaroon ng successful career. Pero hindi mo kasi sinubukan. Malay mo, gusto rin naman kasi kita.
Third year came, and there was a time when we would always talk every night. Random topics about school, our requirements, our friends, our rants about our professors na hindi nagtuturo sa atin, and our fear of taking the board exam. To be honest, kinikilig ako sa mga pag-uusap na iyon. Iniisip ko pa, “Third year na. Baka sasabihin na niya.” But, wala.
Minsan naiisip ko rin na baka naging factor ’yung lalaking lagi mong itini-tease sa akin na akala mo gusto ko. Pero hindi. Kasi ikaw. Ikaw ang gusto ko.
Hinayaan ko na lang.
Alam mo, ang dami ring nangyari sa buhay ko noong fourth year tayo. My mom got sick, at sinabi mo sa akin na ipagdadasal mo siya. Salamat sa dasal. After almost two months of battling her illness, my mom passed away. Gumuho ang mundo ko. Pero salamat sa pagdamay mo, kasama ng mga kaibigan natin.
Alam mo, nawalan ako ng pakialam sa halos lahat. Kasi ang sakit-sakit pala mawalan ng nanay. Bumalik ako sa pagiging estudyante, this time as an intern habang inaasikaso ang thesis revisions. My mind was full of responsibilities, and in a way, I was grateful. Kapag may kailangang tapusin, wala kang oras o pagkakataong magpakalunod sa lungkot dahil may dapat kang unahin.
Pero mas lalo pang bumigat ang puso ko noong nalaman kong may nililigawan ka na. Sa isip-isip ko, balewala lang pala ang paghihintay ko. Masakit, pero walang nakapansin dahil hindi ko kailanman sinabi kahit kanino na may nararamdaman ako para sa’yo.
I let things be. Kasi ano pa bang magagawa ko?
Graduation came. I graduated Cum Laude. You insisted on taking a picture that night, pero tinawag mo pa ang dalawa nating kaibigang lalaki, maybe to make it less awkward. Of course, ako naman ang nag-insist na mag-selfie tayong dalawa. In my mind, “Remembrance man lang.” To be honest, alam kong wala ka nang sasabihin noong graduation dahil alam kong may iba ka nang nililigawan. Pero shame on me for still waiting. Kasi kung naghintay ka lang, sana iyon na ang tamang panahon. Graduate na tayo. Wala ka nang kailangang isipin tungkol sa acads ko dahil tapos na tayo.
Naalala ko rin noong nakita ko ang mom mo. Ewan ko kung naaalala mo pa, pero parang nagulat ka noong nag-bless ako sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa iyon. Siguro respeto na rin. Kasi naaalala ko kung gaano mo siya kamahal tuwing nagkukuwento ka tungkol sa kanya.
And yes, we graduated and started reviewing for the board exam. Review season was something I used to imagine differently. Iniisip ko noon na baka kung naging tayo, sabay tayong nagbabasa ng review materials. Pero hindi iyon ang nangyari. We still reviewed, shared ideas, and discussed lessons, but always with our friends. I respected you, and I respected your girl. Kaya kapag may tanong tungkol sa review, isang tanong, isang sagot lang din tayo sa isa’t isa.
Board exam day came. Then the waiting game. And finally, we both passed.
Oathtaking came. Sa isip ko noon, ini-imagine kong baka in a relationship na tayo pagdating ng oathtaking. Pero hindi nga iyon ang nangyari. You looked so handsome in your formal attire. Gusto sana kitang yayain mag-picture, pero buti napigilan ko ang sarili ko. Instead, I secretly took a picture of you habang nakatalikod ka at naglalakad tayo malapit sa Luneta after our oathtaking. In my mind, “This boy was once my dream.”
And today, it’s already 2026. We are still connected through our group chats. Nothing has changed. We are still in the same circle of friends who always plan group hangouts. Nandoon pa rin tayo sa parehong group chat kung saan nagsesend tayo ng mga seminar na puwede nating attend-an para makaipon ng CPD points for our license renewal. Minsan naiisip ko pa rin, “Hay, edi sana kasama ko ’to lagi sa mga seminar.”
Don’t get me wrong. Minsan naiisip ko lang na kung natuloy lang tayo, siguro magkasama tayong nangangarap para sa career na tinatahak natin ngayon. Napakasarap sigurong mangarap kasama ka.
Sa ngayon, please know that I am genuinely proud of you.
Alam mo ba kung bakit ko ito sinusulat? Because four years ago, around this time, sinagot ka ng nililigawan mo. Naalala ko pa, nag-post ka noon tungkol sa pag-yes niya sa’yo. At noong gabing iyon, nag-post din ako sa IG story ko. Sabi ko, “Bakit palaging ‘No’ ang sagot ni Lord sa akin ngayon? Lord, I know You have Your plans. Please prepare me for what I am praying for.” You liked that story before I went to sleep.
Yes, I asked God why. Why “No.” To be honest, I was emotionally weak during that season of my life because of everything that happened that year. I was grieving the loss of my mom while trying to finish college, and at the same time, I was quietly nursing a heartbreak that nobody knew about. Kaya ang ipinagdasal ko na lang ay ihanda ako ni Lord para sa kung ano man ang inihahanda Niya para sa akin.
You were once my prayer.
Pero kung hindi talaga ikaw ang ibigay, sana katulad mo.
Happy fourth anniversary to you and your girl.
Very good kasi ang ganda ganda ng bulaklak na binigay mo sa kanya :)
PhD Admission Inquiry (Non-Thesis Master’s)
Hello! Ask ko lang po if possible bang mag-take ng PhD kahit non-thesis yung master’s degree ko? Or kailangan pa po ba ng bridging courses or other requirements?
I got my master’s degree from UPLB, and I’m planning to pursue a PhD either at UPLB or UPM. Thank you!
SPaylater Concern. Paano na ‘to?
Hello! May nakakaalam po ba kung bakit hindi pa rin ako eligible for SPayLater? Sinasabi ng app na mag-try ulit ako sa August 14, pero pagdating ng August 14, sasabihin na naman na mag-try ulit after one month. Paulit-ulit lang siya, parang cycle na.
May naka-experience na rin po ba nito? Ano po kaya ang ginawa ninyo para ma-resolve? Thank you!