Kulam. Anong gagawin namin
May naniniwala ba dito sa kulam/barang?
If yes, why?
----
Context: Yung pinsan ko na F16 one month na pabalik balik sa hospital dahil sa pananakit ng tiyan. Ngayon yung sister ko na medtech nagagalit na kasi ipunta nalang daw sa Manila para mas magandang hospitals and doctors makatingin sakanya. Nasa province kasi yung mother side fam namin.
Tapos yung mga tita namin naniniwala na kinulam na daw talaga yung bata (which is hindi kami naniniwala kasi sabi namin may scientific explanations yan) pero kasi sabi ng tita namin complete na pati lahat ng tests nagawa na - ultrasound, endoscopy, lab tests. Wala talagang problema. Na confine na rin siya for 2 weeks.
So ang tinetake ng bata ay pain relievers lang. at tuwing gabi lang daw talaga sumasakit yung tiyan pero buto't kalansay na kasi yung pinsan ko.
Ngayon, pinunta nila sa albularyo. Sabi ng albularyo ay kinukulam daw yung bata dahil yung mangkukulam ay inggit at gusto malagas ang pera ng pamilya namin (mother side). And sabi ay may babae daw na nagbibigay ng food para doon sa bata habang may sakit. Ngayon merong babae na (kapitbahay at asawa ng pinsan ng mga tita ko) ayun ang suspect na mangkukulam daw kasi noong nasa hospital yung pinsan ko nagpapadala daw siya food like lugaw at sopas.
And naalala ng mother ng pinsan ko na yung babae daw na yun may sinabi siya noon na "buti ka pa may mga hipag ka at kapatid na nasa ibang bansa at mayayaman na tumutulong sayo kaya kahit di ka magtrabaho. Habang ako walang maasahan".
Tapos kahapon daw sabi ng mga tita ko pabiro sa babae na baka pinaglilihian mo itong bata. Lawayan mo nga (kasi sabi ng albularyo ipalaway daw yung tiyan nung bata sa babae) sabi nung babae "hindi ako mangkukulam!" Nagalit daw siya. Which is weird daw kasi wala naman daw silang sinabi na mangkukulam siya.