Entitled Mommies na Naghahanap ng Kasambahay
Hi mga mi. Pansin ko ngayon bakit andaming entitled mommies pagdating sa mga kasambahay?
Kesyo ba nanghihingi ng weekend / holidays off and sariling kwarto, OA na? Hindi ba karapatan naman nila pumili kung saan sila magtatrabaho? Kung di kayo pasok sa expectations, eh di wag niyo kunin. Simple lang.
Problema kasi sa mommies dito, mag-iinarte pa sa social media na kesyo marami na raw maaarte na katulong. Bare minimum lang ang day off and sariling kwarto. Saan niyo papatulugin sa sahig?
Gets ko yung mga kasambahay lalo na sa condo namin kasi karamihan sa kanila 8k all around, 24/7 tapos hindi 4 hours lang day off every Sunday.
Remind ko lang kayong mga entitled na hindi alipin ang mga kasambahay. Mga empleyado yan na may karapatan.
Huwag po tayo maging entitled. Hindi rason ang trabaho para iasa lang sa yaya ang pag aalaga ng anak. Nag-anak kayo, figure it out lol.