Genuine Question to Experienced Developers: Does AI Worry You?
Genuine question sa mga programmers/developers dito.
I'm still learning and hindi ako heavily reliant sa AI. Oo, gumagamit ako nito as a tool, pero inaaral ko pa rin bawat line ng code, iniintindi ko kung paano siya gumagana, at nanonood pa rin ako ng coding tutorials at lessons para matutunan ko talaga yung concepts.
With AI getting better and better, napapaisip ako. Hindi ba kayo nakakaramdam ng kahit kaunting pressure knowing that a lot of people can now build systems just by relying heavily on AI?
Don't get me wrong. I actually think it's amazing na mas maraming tao ang nagkakaroon ng way para mabuo yung ideas nila. And no offense din sa mga pure vibe coders. Hindi ito hate post or anything.
Curious lang ako sa mga developers na dumaan talaga sa process ng pag-aaral kung paano gumagana ang code, kung paano mag-debug manually, paano magbasa ng documentation, paano mag design ng structure ng isang system, at kung paano talaga i-solve yung problems instead of just asking AI for the answer.
Hindi ba kayo natatakot na baka dumating yung point na sobrang dami na ng developers dahil sa AI? Or sa tingin niyo, kahit gaano pa kagaling yung AI, iba pa rin yung value ng taong talagang naiintindihan kung paano nagwowork yung code?
I'm not trying to compare or start an argument. Gusto ko lang talaga maintindihan kung paano ninyo tinitingnan yung future ng software engineering habang sobrang bilis mag improve ng AI.