Napapagod na naman ako
I dont know pero lately iba na yung pagod ko. ultimo simpleng paglilinis lang ng kwarto sobrang pagod na ako. di na nga ako sumama sa family outing kasi feeling ko panira lang ako ng mood dun. ayoko na magtrabaho gusto ko nalang humiga maghapon. hindi na rin ako komportable kasama fam ko. kagabi nagkita kami ng friend ko. gusto ko sana magkwento kasu parang hindi interesado. sa tuwing nagkikita kami madalas mga about sa kaniya lang pinag uusapan namin kaya kagabi parang narindi nalang ako tho di ko naman pinakita pero dun ko narealize na pagod na talaga ako. especially in dealing with other people. nung nakauwi na ako after ng hangout ambigat lang din ng pakiramdam ko. naiisip ko sana sa susunod i have someone na who i can share all my thoughts and feelings. ang hirap and ambigat lang din pag adult kana very isolating. nakakapagod