

Nag apply ako ng IT Support Specialist sa Call Center.
Highschool graduate lang ako pero may 5+ years experience as Dekstop/Laptop, CCTV and printer technician, wala akong NC2 CSS sa TESDA, hindi pa talaga ako nakuha until now kasi hindi naman required sa dating ko work yung ganyan. May Certificate ako ng Trainings and other credentials sa malalaking Company tulad ni Epson, Acer, Google, IBM.
Ngayon, kinapalan ko na mag apply ng IT Support Specialist sa TaskUS. Open yung position for almost 2 weeks at ngayon naka pending palang yung application ko, kaka apply ko lang kahapon.
Ang mga points or nakalagay lang sa application ko ay yung resume ko at yung Google Technical Support Fundamentals Certificate. Hindi ko lang malagay lahat ng certificate ko kasi hindi pwede basta-basta yun, need lumabas sa search result yung pwede mong ilagay na certificate, buti nalang trip ko lang kunin yung google certificate since free yung course, last month lang yun kaya akala ko din hindi ko magagamit, nagulat nalang ako lumabas sa search result while namomroblema nako kung ano ang ilalagay ko haha at nakapag attached ako ng isang certificate lang.
Alam ko need ng college sa ganyang position pero may chance kaya ako sa ganyan? First time ko lang din mag apply sa Call Center at alam ko medyo mataas talaga standard sa ganyan kaya kinapalan ko na ng mukha, experiences at credentials lang maipagmamalaki ko kahit highschool lang tinapos. Baka merong nag wwork sa inyo sa Call Center na IT, may mga HS grad kaya sa ganyan?