ayaw ko siyang mawala, anong gagawin ko?
problem/goal: sobrang kalmado ng bf ko nung nag open ako sa kanya at paano ko makuha ulit ang tiwala niya
context: nagkaroon kami ng usapan ng bf ko na may feelings pa ako sa ex fling ko at naging fuck buddy ko kasi hindi kaya ng konsensiya ko na itago ang nararamdaman ko sa kanya. akala ko magagalit siya, pero sinabi niya lang
"oh ganun pala? normal naman yun kung may naging past kayo na sobrang impactful sa buhay mo."
wala akong narinig na kahit ano sa kanya na masasakit at naging normal lang ang usapan namin. kapag gusto ko ng sex sa kanya, lagi siyang pagod dahil sa ginagawa niya at naiintindihan ko yun. nandoon pa rin yung pag-aalaga niya gaya nung nanliligaw pa siya. pero may mga araw na pumapasok sa isip ko yung naging fling ko bago ko nakilala ang bf ko at hindi ko masabi sa kanya noon kahit binibigyan na niya ako ng pagkakataon na maging honest sa kanya. nasabi na niya noon ang naging past niya na naging toxic siya sa ex niya, paano niya tinama ang sarili niya, inako ang mga mali niya at paano naka move on. naging unfair ako siguro sa kanya? magkatabi kami ngayon pero hindi siya nakayakap o nakaharap sa akin at tinignan ko ang phone niya kanina nung tulog na siya at wala siyang kausap na iba, pero nakita ko ang notes niya na tanggap niya ako. natuwa ako nung nabasa ko yun, pero nakita ko ang huli at ang sabi
"pero hindi ibig sabihin na tolerate ko yun. bigyan ko muna ang sarili ko na maging compose at tapusin ang relasyon ko sa kanya para wala akong aalahanin kapag nag dubai na ako dahil I don't have nothing to lose anymore"
previous attempts: sinabi ko na sa kanya ang mga plano at ginagawa ko para hindi ko na maalala ang ex ko at sinasabi niya lang eh maganda at ayos ang ginagawa ko.