SKL, feeling ko na-condition utak ko sa siomai rice
Every time may long review session ako, bumibili ako siomai rice either sa kapitbahay namin or sa kiosk sa school. Eventually naging parang cue siya sa utak ko na oras na para mag-aral. Amoy pa lang ng chili at toyo parang gusto ko na magbukas ng notes.
Idk kung placebo lang pero parang mas mabilis ako maka-focus kapag yun snack ko compared sa chips or candies. Umabot sa point na nung bumili ako one time tapos hindi naman ako magre-review, parang may boses sa utak ko na sinasabing need ko na mag-aral whahaha. Medyo sad din kasi ngayon hindi ko na ma-enjoy siomai rice nang maayos. Amoy at lasang acads + stress na siya sakin 😭