u/Fabulous-Maximum8504

How does the"libre" culture work in your experience?

Personally, kapag nililibre ako, I tend to choose the cheapest or the cheaper one kase nahihiya ako sa manlilibre.

---

So my friend and I went out yesterday. We stopped by at a stall selling fruit shakes kase gusto niya ng fruit shake. Sabi niya libre niya raw ako. Tinanong niya ako kung anong gusto ko. Since nililibre ako, pinili ko yung pinakamura at smallest size na mango shake (50 pesos). Pumili din siya ng kanya which is avocado shake na mas mahal ng konti (95 pesos). Then she asked me, "Avocado na lang tayo?". Then sabi ko "Mag-avocado ka lang sis. Basta mango sakin".

Pero nagulat ako kase noong nag-order siya, dalawang mango sinabi niya sa cashier. I asked her bat di siya nag-avocado tapos sabi niya wag na lang daw. When we received our shake, I thought she was enjoying it. While strolling around, nagulat ako kase nung may nakita siyang basurahan, tinapon niya yung shake niya eh hindi pa siya nakakalahati. I asked her why kase masarap naman, tapos sabi niya busog na raw siya. Di ako naniwala so I teasingly asked her, "Ayaw mo sa mango no?". Then sabi niya, "Sabi ko kase mag-avocado tayo." I replied, "Huh? Eh bakit hinda ka nag-avocado kung ayaw mo sa mango? Pwede namang avocado sa'yo tapos mango sa akin". Di siya sumagot and nag-change topic siya.

So pag ba nililibre, hayaan lang ba na yung manlilibre na pumili?

Meron pa yung isang case. Yung isang friend ko naman na matagal kong di nakita. Nilibre ko siya ng milktea tapos mas mahal sa order ko yung inorder niya. I ordered a plain cream cheese milktea worth 95 pesos tapos nagulat ako kase nung sumunod siya, yung nutella cream cheese inorder niya na worth 145 pesos. May budget naman ako pero unexpected lang na medyo tinodo niya eh matagal kami di nagkita at nagkausap. Also, I've never bought myself milktea at that price. Hinayaan ko na lang kase sabi niya yan daw madalas niyang inoorder and okay naman kuwentuhan namin.

Kayo ba? Paano ba kayo pag nanlilibre? Paano naman pag kayo nililibre?

Edit: changed "Paano naman kayo pag nanlilibre?" to "Paano naman kayo pag nililibre?"

reddit.com

I am genuinly asking this question: May pa-"last (insert number) weeks" teaser na ba ang House of Lies sa TV? Baka kase meron pero hindi ko lang nachambahan.

May nabasa kase akong comment sa latest eps ng HOL sa YouTube na last three weeks na raw ito pero wala akong mahanap na teaser or poster stating it's already ending. Pero kung iisipin, it's possible kase it has been airing since January.

I just think na para kasemg mas nagiging exciting pa yung kuwento and parang di pa siya ready na tapusin, if ever na ito ang papalitan ng Kamao. Kumbaga, kulang pa ng conflict at confrontation. Sana yung Thai drama na lang sa hapon yung palitan.

HOL is really entertaining. Di ko pa kayang i-let go yung bangayan ng mga Torrecampo hahahaha

So itong HOL ba ang papalitan ng Kamao? If not, anong drama ang papalitan ng Kamao? Kung may insider diyan, please confirm😆

reddit.com
u/Fabulous-Maximum8504 — 1 month ago

Para sa mga nakasubok na nito, I have some questions here. Context: 1,200 calories should be maintained per day.

  1. How much did you lose in 1 month? (with exercise/no exercise)

  2. How many months did it take for you to lose significant weight? Ilan nabawas?

  3. If you have low calorie recipes/tips, you may share if you want hihi

Female, btw. This is my first time na magcalorie deficit. According to My Fitness Pal, 1,200 daw ang dapat kong i-maintain per day. I am not active din and office job din ako so mostly talaga nakaupo. I know that simple Google search would answer my questions but I want to read more personalized answers from my fellow Pinays. I'd love to read your answers. Thank you in advance!

reddit.com
u/Fabulous-Maximum8504 — 1 month ago