u/Front_Age_2026

Hindi na chairman ng committee on basic education si Sen. Bam Aquino. It will be turned over daw kay Robin Padilla? Anyare Pinas?

Hindi na chairman ng committee on basic education si Sen. Bam Aquino. It will be turned over daw kay Robin Padilla? Anyare Pinas?

Hindi na chairman ng committee on basic education si Sen. Bam Aquino. It will be turned over daw kay Robin Padilla? Anyare Pinas? Really? Talaga po ba??? Sen. Bam is the most qualified to head the education committee as per his track record. What a circus is happening.

u/Front_Age_2026 — 5 days ago

Thoughts on plotting staged dramas?

If they can stage or fake scenarios like the escape of Bato, is there a chance that the Cabral suic*de is also staged? For me, Cabral is still alive. These evil people can do everything just to escape their crimes. They think they can fool everyone. But if you connect all the dots, lahat sila magkakasabwat.

reddit.com
u/Front_Age_2026 — 7 days ago

Planning to transfer my kid

Ask lng po, sa elem kasi ako, di ko sure process sa high school lalo na pilot public high school (sinasala nila mga nagtatransfer sa knla) nagrereject po ba sila ng transferee na hindi from feeder schools nila? I mean may right po ba sila na di tanggapin ang bata at paghanapin ng iba pang school? 89 average ng anak ko grade 8, itransfer ko sana doon incoming grade 9. Same division, lumipat lng kmi ng district. Mas malapit na itong school sa address nmin ngaun. Pasensya di ko sure sa hs baka kako bawal talaga pg di galing feeder school nila. Gusto ko sana makapasok anak ko dun kasi ito pinakamalapit na hs sa amin. Salamat po sa makasasagot.

reddit.com
u/Front_Age_2026 — 10 days ago

I'm tired

Hello. Just want to share. Please sana walang mag bash. Naiiyak na lang ako bigla sa gabi pag tulog na mga anak ko at nakatingin lng ako sa knila. I'm currently thinking to end my 10 year relationship with my husband. Pagod na ko magbeg at magpaalala sa knya sa mga bagay-bagay. Wala akong natandaan na niaya niya ko lumabas except nung umpisa plng kmi mga 1year. Tapos wala na after nun, nagkaanak kmi at wala na syang effort sa kahit anong mga special occasions. Minsan naiisip ko nagsisisi ako sa mga naging desisyon ko. Pero mabuti naman syang tao, alam ko mabait sya wla lang tlaga syang effort sa mga bagay-bagay na bilang babae eh gusto ko rin naman maranasan. Mabait sya, na kahit ako na mismo di nya paniwalaan sa mga suggestions ko kasi mas nacoconsider nya opinion ng ibang tao. Like if may manghiram sa knya, alam ko na may chance na di magbabayad ung taong un, wawarningan ko sya na wag mo na pahiramin mahirapan lng tau maningil dyan.. pero di nya ko pinapaniwalaan, ending tama ako, at madalas di nga nagbabayad mga napapahiram nya. Nauuwi yan lagi sa argumento naming dalawa na feeling ko ako pa masama at di nya tlga nate take ung opinion ko na alam ko naman na mangyayare kasi ilang beses na yan nangyare eh. Ok lng sa knya kasi kaibigan naman dw nya. Dalawa anak nmin. Ofw sya ngaun. Full time din ako nagtatrabaho goverment employee ako. Ako lng dn lahat nag aasikaso sa mga anak namin. Nakakapagod full time working ako tapos sa mga bata ako din. Dagdag pa ung feeling na parang ung asawa ko walang effort na iparamdam sakin na babae ako na asawa niya ako. Ngaung mothers's day di rin nag greet. Mga ganyan na bare minimum man lng di nya magawa. Kung ako naman ginigreet ko sya pero kapag nakakaranas ako ng ganito, gusto ko rin gumanti kya may times na di na rin ako naggigreet sa knya. Noong bago pa lng kmi wala pang anak, may time na nag beg sya na wag ko sya iwan nun kasi umayaw na rin ako nun. Pero aun, nagtuloy pa din pagsasama namin. Ngaun drained na ko sa relationship namin, kasalanan ko lahat to lagi ko sinisisi sarili ko sa mga desisyon ko. Kasal kmi ngaun ayaw ko na isipin na may asawa ako kasi parang mag isa rin naman ang pakiramdam ko sa lahat ng bagay. Parang mas maigi pang maging solo na lng para wala na kaming expectations pa sa isat isa. Pag nagtatalo kami, nauuwi lng sa kawalan ng respeto na sa isat isa kung anu ano na nasasabi namin. Mga simple lng dw mga inaarte ko kesyo naiinggit lng dw ako sa iba at nacocompare ko talaga sarili ko sa iba na bakit ganon hindi ko din ba deserve na mabigyan ng flowers, magreet, kahit mga anniv namin never nya yan inalala. Ang babaw lng ng lahat para sa knya. Sya dun sa work nya, pag off nya nagagawa nya magroadtrip may motor sya dun, nakakapag camping sya with workmates. Naaaliw nya sarili nya, ang unfair sakin, no break ako after work sa mga anak naman ako mag aasikaso. Para sa iba ang babaw, pero nararamdaman ko ung tanong kung deserve ko ba lahat to. Hanggang dto nlng ako bilang asawa. Kaya ko naman lahat ng gawaing bahay lahat lahat kaya ko pati pagbubuhat ng mabibigat kaya ko, kaya siguro alam nya na di ako ung tipong disney princess na deserve ang prinsesang trato kaya less effort sya sakin. Pero deep inside, hinahanap hanap ko ung pagtrato na un. Gusto ko nang bitawan pagsasama namin kasi alam ko pattern na paulit ulit ayokong tumanda ng nagbebeg ng atensyon. Wala sa isip ko maghanap ng iba dahil natatakot din ako baka masamang tao makita ko, mabait ang asawa ko, pero may mga bagay kailangan ko pang ipaalala lagi at parang nagmamakaawa ako. Ayaw ko na. Gusto ko lng magsolo na sa mga anak ko kasi aun din naman na nararamdaman ko mula pa nun na mag isa nlng ako. Pasensya na gusto ko lng ilabas dito. Wala naman ako makausap, pag may problema dn ako, alam kong alam nya yan naiyak ako, pero tinutulugan nya lng ako. Ang sakit ng ganyan wala yayakap at magcomfort sau kapag may problema sa pamilya. Sasarilinin ko nlng lahat.

reddit.com
u/Front_Age_2026 — 11 days ago

Lately sa mga interviews niya na lumalabas, parang ang lala niya na. Lalo na ung nagsasalita siya tas ung eyes niya parang empty at the way magsalita siya sadya niya ba un? na parang tanga-tangahan. Di ko maimagine magsama-sama sila nila leviste, barzaga, dalawang marcoleta, boy sili, pebbles, hariruki balang araw. Parang isang malaking mental hospital ung gobyerno natin nun.

u/Front_Age_2026 — 15 days ago

Pasensiya na talaga. Pero wala ba silang tao na pwedeng mag proofread bago iprint's ang mga ganito nila? DD'S bible verse's.

u/Front_Age_2026 — 18 days ago

https://www.facebook.com/share/1GvqvR7GnF/?mibextid=wwXIfr

Di ko alam kung rant o inquiry ito 🤣 Last year pa ito na napakalaki pala ng budget sa ARAL pero as in hindi ramdam ng mga mismong nagtuturo sa mga bata. Ngayong taon mukhang mas lumaki pa ata? Pero bakit panay soft copy ang ibinibigay, may hard copies na dumadating pero halos di mapakinabangan mabilis mapunit kakagamit plng ng mga bata, pati sa materyales tinipid. Tanong ko lang, paano nagagamit o nauubos itong ganito kalaking pera sa programa na hindi naman ramdam ng mga mismong nagsasagawa ng aral? Wala ngang maayos na ending ung aral nitong nakaraang school year, mema lang. Sabi bibigyan ng certificates mga batang nakatapos sa aral, pero wala naman? Noong nagtraining kami sa aral na ito, tinipid pa kami sa pagkain, sa day 1 walang lunch na dumating hehehe... Tapos nag speech ung isang supervisor habang gutom n kmi kakahintay sa makain, sabi kung may mga complain dhil sa nangyaring di inaasahan (late dumating food kaya wala na din nakapaglunch ahahaha) eh wag na wag dw magpost sa socmed dhil natetrace dw ahehe may pagganon pa sila, nanakot yarn? Nakakalungkot isipin na nakakasuka kasi panay tila pang uuto ginagawa sa teachers na kesyo madiskarte at mahal ang mga bata kaya lahat kayang gawan ng paraan hehehhe.. gusto ko magturo kahit mababa ang pasahod sa guro, ok na sana, pero nakakasulasok lng ung sistema tlaga...mababa na nga pasahod, nagagawan pa nila sa taas na gawan ng korapsyon ang ahensiyang ito. Ngayong taon, never (sanaaaaa magawa kooo ahaha) na akong magpiprint ng soft copy at babawas sa personal school supplies ko na may kinalaman sa aral.

u/Front_Age_2026 — 22 days ago
▲ 6 r/DepEdTeachersPH+2 crossposts

Aminado ako introvert ako pero kapag kailangan naman makisama like may activity or celebration sa school (teacher ako), andun ako nakakasabay naman. May mga magkakabarkada, grupo-grupo sila, nakikita ko naman sila-sila talaga ung magkakasama at close friends sa trabaho. May mga friends naman ako sa work ung mga kabatch ko, pero di ung tipong nagsspend ako ng time lumabas, makipagchikahan sa kanila. Trabaho-bahay lng ako kasi may mga anak na rin ako. Ayun, pero kapag may mga tasks like di alam ng isa ung gagawin o magpapatulong gumawa ng template o ppt, napapansin ko na hindi sila nalapit o nagtatanong sa mga nakikita kong kaclose naman nila.... Bakit sakin na nananahimik lng sa room haha. Pag ganyan napasok na sa room ko at alam ko na di naman palakausap sakin, pero andun na, alam ko na may pabor yan sila o itatanong sakin... May pattern yan sila ahaha, kabisado ko na, kaya natatanong ko sila "eh si mam (ka close niya) di mo po ba tinanong o baka may ppt sy nyan?"

Di nila mapuntahan o matanong mga kaclose nila? Saka lng sila kakausap sakin at panay compliments sa room ko, sa itsura ko.. bago pa sabihin ung pabor pala nila.... Ngaung papasok na school year, naisip ko na maging "madamot" na muna. Sana kayanin ko na mag say no na sa kanila. Bakit ganun sila?

reddit.com
u/Front_Age_2026 — 20 days ago