
'T*NG NA MO, 911. TNG *NA MO, PILIPINAS
Naglabas ng matinding galit si netizen Basty Askri matapos umano siyang mahirapang makakuha ng agarang tulong sa 911 nang atakihin ang kanyang ama. Ayon sa kanya, halos 10 minuto siyang paulit-ulit na tumawag bago may sumagot, habang umano’y nakarinig siya ng tawanan at usapan sa background.
Habang naghihintay ng responders, siya mismo ang nagsagawa ng CPR sa kanyang ama. Nang dumating ang ambulansya, sinabi niyang wala umano itong AED, kulang sa kagamitan, at siya pa rin ang nagpatuloy sa CPR.
Iginiit ni Askri na ibinahagi niya ang karanasan upang ilantad ang umano’y kahinaan ng emergency response system sa bansa at manawagan ng mas mabilis, maayos at kumpletong serbisyo sa mga oras ng kritikal na pangangailangan.