Life as a job-seeking PWD
Hey guys, I just want to let this thing out of my chest and also get your opinions and advice as well.
Im a PWD, I have microtia to be exact (an in-born condition na deformed or underdeveloped yung ear mo) so basically may hearing loss yung other ear ko. So now, Im on a job-hunt mission. A little background abt saken, isa po akong mechanical engineering graduate and also board passer rin nung this feb lang. Im in dire need of a job right now kasi my family is on a lil financial crisis. Ayoko nang maging palamunin at magpabigat pa, dagdag lang gastusin. So naghanap ako trabaho, matic related na sa mechanical engineering. First 3 interviews ko sablay, di ko alam if mahina lang ba ako sa interview (feeling ko naman hinde), kulang sa exp o di lang talaga qualified. Ewan, di ko rin alam if big factor rin tong condition ko sa tuwing may interviews ako (feeling ko oo). But fortunately, natanggap ako sa pang apat. Edi ansaya ko kasi syempre nakachamba pa. So ayun pinaasikaso na kami sa requirements. Then nung nagpamedical ako, nirequired akong kumuha ng ENT clearance sa ENT clinics, para patunay na capable akong magwork, napagastos rin ako don bwiset. Then ayun kanina pasahan na ng requirements tas signing of contracts na. Bigla akong pinatigil magsulat ng hr, kinuha nya yung mga papel then sabi nya kausapin nya raw ako. Then ayun nga regarding sa condition ko, sabi nya required raw ako na maghearing aid kasi baka raw di ako makasabay sa trabaho. Pending lang raw muna ako hanggat bakante pa yung slot pero once raw na may hearing aid na pwede na raw ideploy. Medyo gumuho mundo ko non, hindi biro ang presyo ng hearing aids, specially sa condition ko. Nung pagkaalis ko napaisip nalang ako, hindi pa ba sapat yung pag vouch ng mga doctor saken sa medical and also sa ENT clearance ko? Sabay ayun nanlumo na talaga ako, feeling ko kanina tinalikuran ako ng mundo eh (baka OA lang). Pero para saken parang yun yung pinakamalaking sampal saken ng reyalidad. Pinaalam ko kaagad sa parents ko yung nangyari. Syempre labis rin silang nalungkot, lalo na si mama, nagsorry sya saken kasi iniisip nya na sila yung may kasalanan sa nangyari. Pumunta akong simbahan after para magdasal, grabe parang gusto ko sumabog kanina, like pinipigilan ko nalang yung iyak ko sa simbahan. Ngayon di ko na alam gagawin, ang mahal talaga ng hearing aids like as in. Di namin siya mabibili in a span of one week. Iniisip ko if ipupursue ko pa ba to or give up na. Ewan ko, nakakadepress, nakakasama ng loob. Sadyang di lang talaga patas ang mundo. Di ko alam if magrereach out ba ako sa HR at magreason kung anong klaseng pag vouch ba kailangan nila. Or maghanap ng bagong work. Nawala confidence ko sa isang iglap eh. For the first time I feel like I lost track of my goal. Ano pong opinions niyo or advice sa anong pwede kong gawin?