Final pay with no pro rated 13th months
HELP!!
Today nalaman ko na yung nasa final pay ko lang na makukuha is yung basic salary lang na ipinasok ko hanggang matapos ang rendering ko.
first job ko po ito. What should I do? Pwede ba ko magcomplain??
HELP!!
Today nalaman ko na yung nasa final pay ko lang na makukuha is yung basic salary lang na ipinasok ko hanggang matapos ang rendering ko.
first job ko po ito. What should I do? Pwede ba ko magcomplain??
Abuse ba to?
nag-away kami ng boyfriend ko. may nasabi siya sa ‘kin na sumama ang loob ko kaya di ko siya pinapansin. Gusto niya ko kausapin so lumapit ako, hinayaan ko lang siya magsalita muna. kinwelyuhan nya ko ng dalawang beses pa nga in between ng pagsasalita niya, wala naman akong nasabi pa kasi hinahayaan ko lang siya magsalita muna. Sa sobrang inis din niya e pinisil nya yung mukha ko (alam niyo yung kapag nanggigil ka sa baby dahil cute sya? Yung kanya e ginawa niya yon while galit siya) naiyak ako sa sakit ng ginawa nya dahil inulit niya ulit yon. Hinawakan nya rin yung kamay ko ng mahigpit at hinila ng malakas palapit sa kanya (parang hinablot).
Para akong nagshut down sa ginawa nya na di ko maprocess yung nangyayari kaya lumayo ako sa kanya. Tinawag nya ulit ako para lumapit sa kanya. Nung lumapit ako sa kanya kinwelyuhan nya ulit ako. dahil nakita nya na umiiyak ako pinunasan nya pa. Habang pinupunasan nya luha ko sinasabi nya “oh pareho tayong may mali. Mali ako, mali ka din.”
Ang pangit ko magkwento pero yun na lang yung naaalala ko sa nangyari. Hindi ko alam kung naaabuse na ba ko o ano.
ganito rin ba kayo sa girlfriend nyo?
Problem/Goal: Final Pay.
Context: Hello! I just want to ask. I resigned 3rd week of May and nag end po yung rendering ko ng June 3rd week.
Sa final pay po ba ang makukuha ko lang is yung pinasok ko ng 2nd cut off ng june? Meron pa rin po bang pro-rated 13th month kahit na May ako nagresign? First job ko po kasi kaya di pa ko maalam sa process ng pagclaim ng final pay.
Help me pls kanajajskaksjsjsjsjsh huhu
Help me out.
Hello! I just want to ask. I resigned 3rd week of May and nag end po yung rendering ko ng June 3rd week. Sa final pay po ba ang makukuha ko lang is yung pinasok ko ng 2nd cut off ng june? Meron pa rin po bang pro-rated 13th month kahit na May ako nagresign? First job ko po kasi kaya di pa ko maalam sa process ng pagclaim ng final pay.
Forgive me kung medyo magiging magulo yung kwento. I just wanna get this off my chest because wala ako mapagsabihan. Might delete later, baka makilala ako.
Me and my boyfriend are almost a year in a relationship na. Mabait siya when I met him, we were co-workers first before naging kami, kaya nagkaroon muna ng “friendly” bond kumbaga. And then naging kami few months after.
Habang tumatagal nakikilala ko siya at nakikita ko yung ibang side niya. Kapag okay kami, okay talaga kami. Pero once na nagkaron na ng misunderstanding or away, kahit maliit lang na away di magada kinahahantungan. Lately, napapansin ko na habang tumatagal, lalong lumalala.
Isa sa napansin ko is kung pano siya maghandle ng away. IIRC nag-away kami one time and nagsabi sya na kung ayaw ko na iwan ko na sya. As someone na naiinis kapag binabanatan na ng ganon, I agreed. Then minutes after he’s telling me na he’s going to khs. That’s the first time it happened. We talked. Nagkaayos. But then I told him na yun na ang huling beses na tatakutin nya ng ganon, next time na gawin niya yon is aayaw na ko dahil ayoko na mastuck sa ganon na relationship.
But few weeks after, it happened again. That time with picture na na kasama. Yung kumot nakatali sa leeg nya and sinend nya yon sa ‘kin. I hyperventilated at sobrang iyak rin. Sa kanya ko lang naranasan na maganito.
Kapag magkaaway kami at nasa trabaho pupuntahan nya ko sa post ko at kukulitin, maffrustrate sya kapag di sya pinatawad agad leading to him kicking the trash can, susuntukin yung table, ibabagsak yung pinto kapag lalabas sya, ang kinaka-anxious ko pa e kapag tumataas yung boses nya. I’m afraid na marinig sya sa labas, and sa kabilang room na pwede sya marinig dahil sa parang exhaust-fan na nakaconnect sa work room ko. Ilang beses nangyayari to. Throughout our relationship. Until it came to the point na yung pananakot nya sa kin na saktan ang sarili nya e ginawa na nya mismo sa harap. May kinuha sya sa slide at binasag sa sink then tinutok sa sarili nya. Aside from that, paulit ulit rin nya ginagawa na kukunin nya yung gunting sa taas ng pc ko at tinututok sa leeg nya o kaya naman sa dibdib nya acting na isasaksak nya sa sarili nya. Ilang beses nangyari to. Umiiyak na lang ako sa takot.
May time na I tried breaking up with him, I thought he would take it calmly because nung nagtanong sya kung yun na ba talaga gusto ko e kalmado sya. But after that, lumabas sya binagsak yung pinto. Minutes later bumalik siya spitting words like “ang kapal mo” “napapagod ako kakahatid sayo” things like that. Then, ginawa nya ulit kinuha nya ulit yung scissor. Which leads to me na parang naka-program na sa kin na kapag nagkakamisunderstanding kami, kahit maliit na bagay lang e tinatago ko agad yung gunting.
Tumatagal umaabot na sa hihilain nya ko para makausap nya ko while doing my work. Yung hila na parang hablot na nasasaktan na ko. Umabot rin sa hahablutin nya mga bagay sa kin like my phone na pwersahan. Il-lock ko yung pinto pero pinupwersa niya, sa takot ko na marinig sya ng mga kawork namin sa labas e bubuksan ko na lang.
Believe me, I tried breaking up with him multiple times every time na ginagawa niya yon. Pero ang hirap kapag tinatakot nya ko lagi sa gagawin niya sa sarili niya. Hindi kaya ng utak ko yung thought na may mamatay at possible na dahil sa akin.
These happened during our working hours. Kahit nagstart yung misunderstanding namin na day off, kinabukasan pagpasok sa trabaho mangyayari ulit yon.
Umabot na nga ako sa point na nakakaramdam na ko ng pagod. Para akong nat-torture emotionally. Nakipaghiwalay ako, habang nangyayari yon tumawag sa kin yung inapplyan ko na work and it was a job offer (aware naman sya na nag apply ako doon). Tinatanong nya ko kung sino yung tumawag, like anong company. Di ko siya sinasagot dahil ayoko na sana malaman nya para di nya na ko masundan. Ang ginawa nya e tinry nya na kunin ang phone ko na nasa bulsa ng blouse ko, sa lakas nya e napunit yung sa laylayan ng damit. Nagbreakdown na lang ako sa nangyayari. Naging okay ulit after that. Iniisip ko na kung di ako makikipag-ayos, hanggat pumapasok ako sa trabaho ko na yon e araw araw naganong scenario ang mararanasan ko.
Last night lang e lalabas kami saglit para bumili ng dinner habang wala masyadong work. Nagkaron kami ng misunderstanding nung umaga. Tinawag nya ko na lalakero at masyado daw akong halata na dumidikit sa lalake sa picture na pinost ko. Those are my childhood friends since elementary. 2 na lalake and gay yung isa doon, at 3 na babae.
Kinagabihan naman e may inis pa rin pero nag uusap na kami kahit papano. Sinabihan ko sya na magpaalam sa isa naming kasama na bibili lang kami , dahil baka hanapin ako. Ayaw niya, gusto nga basta lumabas nalang. Kaya ako na lang nagpaalam at ako na lang din lumabas at bumili mag-isa. Sinundan pala niya ko. Nasa supermarket ako sa tabi ng work namin. Galit siya kung ano ano sinabi niya, wala siyang pake kahit marinig siya ng ibang tao. Lumipat kaming mcdo. Umupo siya at ako yung pumila. Nagdecide ako na hintayin yung take out order namin malapit sa counter. Nung nakita na nya na nakuha ko na yung order e lumabas na agad siya, hindi pa man ako nakakalapit sa kanya. Hinintay niya pala ko sa labas. Akala ko tahimik na kaming babalik sa work pero bigla nyang hinablot yung dala ko at nauna maglakad. Nilingon nya ko tsaka sya sumigaw na “bilisan mo! Nagmumukha kang kawawa dyan!”. He did that. Sa public place. Na may mga tao. Habang naglalakad pa rin kami pabalik sa work patuloy pa rin sya sa sinasabi nya. Tahimik na lang ako naiyak. After kumain, umiwas ako sa kanya dahil natatakot ako na baka this time kahit sa harap ng kawork namin e ganunin nya ko. Tinawag ko mama ko sa messenger as my “escape” para di niya ko lapitan at ganunin. But hanggang 11pm lang yon dahil kailangan na rin nila magpahinga. Night shift kasi ako. That left me stuck sa kanya ulit. It happened again. Yung paghila hila niya sa ‘kin, pagbibitaw ng mga harsh words, pagtaas ng boses, pagbabato ng gamit. Iyak lang ako nang iyak. Until lumabas sya, pagbalik nya may tali syang dala. Inikot nya sa leeg nya and tinry na isabit sa may door. Yes. Ginawa niya yon sa harap ko mismo.
I know normal sa relationship ang misunderstandings kahit sa maliliit na bagay. Di ko rin sinasabi na wala akong mali. Ang alam kong hindi normal e yung nagl-lead sa ganong sitwasyon. Kailangan ba laging mapupunta sa ganon ang away?
Nagresign na ko at rendering na lang. Pero kami pa rin. Dahil baka pumitik ulit sya at ano na namang gawin habang duty kami. Balak ko na after ng effectivity date ng resignation ko e makipaghiwalay at icut ko na communication ko sa kanya. But I’m afraid na he’ll khs dahil doon.
Nababaliw na ko. Am I in an abusive relationship?