▲ 7 r/baguio

salamat po sa sasagot

Hello po. Located po kami sa Irisan, San Carlos. Noong nagbo-board po kami dati, nasa ₱900 lang po ang bill namin sa kuryente, pero naging ₱2,000 po noong last month namin.

Hindi na rin po kasi kami masyadong umaakyat noon, minsan na lang po, dahil ang dami rin pong naging problema sa dorm gaya ng tubig, mga saksakan, ilaw, at iba pa.

Ganun po ba talaga kataas ang konsumo kapag nasa Baguio, or may possibility po kaya na may ibang dahilan kung bakit biglang tumaas nang ganoon?

reddit.com
u/MostReasonable1763 — 1 month ago

if you're looking for a good review center, definitely go for red rc

sobrang bait talaga ng mga lecturer ng top rank. walang toxic vibes, hindi sila nangha-hate or naninira ng ibang review centers, and the way they handle issues is really professional. even nung malapit na kaming mag-exam, ramdam na ramdam talaga yung support nila. hindi lang sila focused sa pagtuturo, but they also genuinely care about their reviewees and kung paano kami makakapasa.

sobrang down to earth din nila. kahit ang gagaling nila and you can really tell na they know what they're teaching, hindi mo mararamdaman na intimidating sila. during my review, i felt really comfortable and at ease because of the environment they created. parang hindi ka lang basta reviewee na kailangan makasabay sa lessons, but someone they genuinely want to see succeed.

what i really appreciate about them is that they focus on helping you pass rather than spending their time talking badly about other review centers. mas importante sa kanila yung learning and preparation ng students kaysa sa paninira or comparison. and honestly, malaking bagay yun lalo na during review season na sobrang stressful na nga mentally and emotionally.

may experience kasi kami before sa enhancement, and grabe talaga yung paninira nila sa red rc. buti na lang hindi ako naniwala sa mga sinasabi nila because i still gave red rc a chance. and i'm really glad i did.

if you're looking for a review center that will actually help you improve and understand the lessons better, i would really recommend red rc. na-enhance talaga yung learning ko during the review. yung mga topics na dati sobrang hirap kong intindihin, eventually naging mas clear because of the way the lecturers explained them. hindi lang sila magaling magturo, marunong din silang mag-break down ng complicated topics into something na mas madaling maintindihan.

more than the lectures and materials, i think one of the things i'll remember most is how comfortable they made us feel throughout the whole review journey. sobrang gaan sa feeling na alam mong nasa environment ka where people are genuinely rooting for you to pass.

sobrang thankful ako na nag-review ako sa red rc. hindi lang talaga siya about sa pag-aaral ng lessons, but also about gaining confidence, understanding the topics better, and feeling supported throughout the whole journey. malaking part sila ng preparation ko, and i'll always be grateful for that. 🤍

reddit.com
u/MostReasonable1763 — 1 month ago

ako lang ba nahihirap sa actual boards

Ako lang ba ang nakaramdam na hindi talaga naging ganoon kadali ang PNLE 2026? Ayon sa ibang takers, mas madali raw ang actual boards kumpara sa mga preboards ng TRA, pero sa experience ko, hindi ko masasabi na ganoon siya kadali. Siguro magkakaiba talaga tayo ng perception at experience pagdating sa mga tanong, pero personally, mas nahirapan ako kaysa sa inaasahan ko.
Mas manageable para sa akin ang PB 2 at pb 3, Sa totoo lang, mas madali ko pang nasagutan ang PB3 ng NP2, kung saan nakakuha pa ako ng 70. Kaya noong actual boards na, medyo na-shock ako dahil marami sa mga questions ay parang kailangan talagang pag-isipan nang mabuti. Hindi siya yung tipong babasahin mo lang yung tanong tapos automatic alam mo na agad ang sagot.

Siguro normal lang din naman na makaramdam ng ganito pagkatapos ng boards, lalo na kapag hindi naging kasing dali ng inaasahan mo. We all prepared, reviewed countless topics, answered hundreds or even thousands of questions, and did everything we could before the exam. Pero kapag actual boards na, iba pa rin talaga yung pressure at level ng uncertainty.

For now, wala na rin naman tayong ibang magagawa kundi maghintay at magtiwala sa naging preparation natin. Sana lahat ng pagod, puyat, kaba, at effort natin sa pagre-review ay magkaroon ng magandang resulta. Praying na makuha natin ang pinapangarap nating RN after all of this. 🙏🏻🤍

reddit.com
u/MostReasonable1763 — 2 months ago

Sobrang Takot Akong Bumagsak Dahil Iniisip Ko Ang Sakripisyo Ni Papa

Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako sa exam o mas kinakabahan ako sa thought na baka hindi ko masuklian lahat ng sakripisyo ng mga magulang ko.
Lately, parang iyak na lang talaga ginagawa ko. Habang papalapit nang papalapit yung araw, mas lalo akong natatakot. Paano kung hindi ako makapasa? Paano kung matapos lahat ng pagod, puyat, pressure, at dasal pero hindi pa rin sapat?

Sa totoo lang, minsan naiisip ko na wala naman akong pakialam kung ako mismo makapasa o hindi. Pero kapag naiisip ko yung tatay ko, doon ako nasasaktan.

Ilang taon na siyang nasa abroad. Ilang taon siyang malayo sa amin, nagtitiis at nagtatrabaho para lang mabigyan kami ng mas magandang buhay. Ngayon, may sakit na siya. Pinapauwi na siya, pero hindi pa rin siya basta makauwi dahil iniisip niya pa rin ako.

Ang sakit isipin na habang ako nandito, kinakabahan lang sa exam, siya naman nasa malayo at kinakaya ang lahat kahit may iniinda na siyang sakit.

Hindi ko alam kung paano ko mababayaran lahat ng sakripisyo nila. Hindi ko alam kung sapat ba itong pag-aaral ko, itong pagpupursige ko, o itong mga pangarap ko para mapantayan kahit kaunti yung mga taon na nawala sa kanila.

Kaya sana, makapasa tayong lahat. Hindi lang para sa sarili natin, kundi para sa mga magulang nating ilang taon nang nagsasakripisyo para makarating tayo dito.

Sana dumating na yung araw na hindi na nila kailangang magtrabaho nang malayo. Sana tayo naman yung makapagbigay sa kanila ng buhay na matagal nilang ipinagkait sa sarili nila para sa atin.

Pagod na rin ako. Takot na takot ako. Pero lalaban pa rin ako.

Para sa sarili ko. At higit sa lahat, para kay Mama at Papa. Sana sa pagkakataong ito, tayo naman. Sana worth it lahat. 🥹🤍

reddit.com
u/MostReasonable1763 — 2 months ago

Nawawalan Ako ng Drive Mag-aral

Ilang araw na akong walang matinong review and honestly, kinakabahan na ako kasi ang lapit na ng exam. Ilang months din akong halos araw-araw nagre-review hanggang 6 AM, kaya baka ngayon ko na talaga nararamdaman yung pagod.

Hindi naman sa ayoko nang mag-aral. Parang ang hirap lang ulit magsimula at makuha yung momentum na meron ako dati. Mas nakakastress kasi habang lumilipas yung araw, mas lalo akong nagi-guilty na wala akong nagagawa.

Ayoko rin namang pilitin sarili ko nang sobra tapos tuluyang ma-burnout, pero at the same time, ayokong sayangin yung mga araw na natitira.

reddit.com
u/MostReasonable1763 — 2 months ago
▲ 0 r/baguio

May nagbyahe po ba from Baguio to La Union ngayon? 😭

Uwing-uwi na po kasi ako sa La Union huhu 😭 May mga bus/van po kayang bumabyahe ngayon? Kahit saan po sa La Union (north) basta makauwi lang 😭
Thank you po sa makakasagot! 🙏

reddit.com
u/MostReasonable1763 — 2 months ago
▲ 429 r/catsph

Na-scam ba 'ko? Pero worth it pa rin sa huli.

Binili ko siya for ₱4k. Akala ko okay kasi yun yung nasa pictures na sinend sa'kin. Pagdating sa meetup, sobrang iba pala, hindi pa siya nakamulat nang maayos at nagtatae pa. Pwede naman akong umatras, pero sobrang naawa ako kaya inuwi ko na rin. Buti na lang, okay at healthy na siya ngayon.

u/MostReasonable1763 — 2 months ago

Normal lang ba na nahihirapan pa rin

Normal lang ba na nahihirapan pa rin ako sa mga recalls? Kahit nasa Recall 6 na ako, nasa 40+ pa rin madalas ang scores ko. Minsan naiisip ko kung may progress ba talaga ako at medyo nawawalan na ako ng pag-asa, pero patuloy pa rin akong sumusubok.

reddit.com
u/MostReasonable1763 — 3 months ago

digital national id

Hi everyone! Ask ko lang po sana sa mga nag-take noong February 2026. Kailangan po ba ng physical ID, o okay na po ang digital ID? Maraming salamat po sa sasagot.

reddit.com
u/MostReasonable1763 — 5 months ago
▲ 1 r/Nurses

digital national id

Hi everyone! Ask ko lang po sana sa mga nag-take noong February 2026. Kailangan po ba ng physical ID, o okay na po ang digital ID? Maraming salamat po sa sasagot.

reddit.com
u/MostReasonable1763 — 5 months ago