u/Neither_Stable_4466

▲ 1 r/BPOcareerNetworkPH+2 crossposts

Kaganapan sa BPO Company

Alam niyo ba may isang agent sa isang BPO company na hayok na hayok ma-promote tawagin ko na lang siya sa pangalan na “Gold” (F). Gagawin niya lahat even friends of friends niya babarubalin niya, workmates and all.

Before kasi nung hindi pa siya na ppromote as Senior or whatever you call na ahead sa mga normal processors, sobrang tahimik niya na para bang never mo siyang maaasahan tumulong sa mga ka team niya. Then dumating yung time na yung friends niya na promote as Senior tapos siya hindi grabe yung naging inggit niya that time, umabot sa point na lumayo siya sa friends niya at naghanap ng another circle of friends which is yung kaugali niya ngayon na binabardagol niya din.

Ayun dumating din pala sa point na may nagkagusto sakanya na ka-team niya syempree normal na yun sa isang BPO Company, tawagin natin siya sa pangalang “Diamond” (M). After a few weeks lang nagustuhan niya na din yung guy, syempree gwapo yung guy at angat sa buhay. Nung nalaman niya na angat sa buhay yung guy nag go na agad tong si ate mo gurl, kasi alam niyang aangat din siya sa buhay niya pag naging sila eh.

Umabot ang ilang linggo nagkakamabutihan na sila to the point lagi siya nililibre ni guy ng kung ano ano na gusto niya. Sugar daddy yarn eme. Anyways, eto na nga habang tumatagal lumalabas na yung tunay na ugali ni Gold. Lagi siyang nagpapahatid pauwi ng bahay or pag may pasok siya sa school nagpapahatid siya, not knowing pag hindi siya hinahatid ni Diamond may ibang naghahatid sakanya na guy. Myghaaadd! Typical gold digger.

As I was saying, ganon na nga yung nangyayare pag wala si Diamond or may ibang ganap may ibang naghahatid kay Gold. Hanggang sa nahuhulog na ng tuluyan si Diamond kay Gold ng hindi niya namamalayan na gagamitin lang pala siya for all the things na meron siya.

As time pass by umabot ng birthday, christmas at new year nagbibigay or may binibigay si Diamond kay Gold. Nagkaron ng hindi pagkakaintindihan yung dalawa at umabot sa point na nagkakasiraan na sila, nagmmake ng story si Gold na ginagamit lang daw siya ni Diamond, na hindi naman daw talaga nagpapahatid sa bahay or school sadyang nag iinsist lang daw talaga si Diamond. Wtf! Girl ang bait bait na nga sayo ng tao ganyan pa gagawin mo babaliktarin mo pa yung kwento.

Then eto na nga yung exciting part, lumipas ang ilang buwan at taon na promote na si Gold as Senior. Biglang nag iba yung ugali which is natural na sa mga nappromote or depende pa din siguro HAHAHAHAHAHA. Pero not knowing ang sabi sakanya ng TL niya before kaya di siya napromote “bungisngis ka kasi at walang sariling desisyon”.

Ayun nga after that promotion nagbago ugali naging bossy sa ibang kateam niya pero sa friends niya hindi the typical feeling baddie pero ang baho naman. Ilang months ang nakalipas, up ‘til now mas lumala ugali niya to the point lahat ng pwede niyang iissue sa kateam niya gagawin niya para sa ikakasaya niya. Kahit small details or big gagawan niya ng issue at ipapakalat niya agad sa buong prod.

Even sa mga workloads ng ka-team niya na dapat hindi na siya belong pinapakelaman niya pa din. Then nung na-assign siya to QA the team, kahit sobrang dami ng workloads basta mahanapan niya lang ng mali yung processors gagawin niya ultimo kahit ilang oras siyang maghanap okay lang sakanya. Na parang bang naghahabol sa next promotion para ma-promote bilang ATL, ano para tarantaduhin lahat ng agents na mahahawakan niya pag napromote ulit siya.

Anyways, ayun lang naman yung story ko about that girl na gold digger at hypocrite b*tch hehe. Thank youuu!!

reddit.com
u/Neither_Stable_4466 — 1 day ago