Advice pleaseee
So hi! Nag install pa ako ng reddit for this.
Ask lang po sana ako ng advice sainyo. Nag resign po kasi ako sa work and diba po 30 days lang ang render bago ka mag exit. Pero ako po kasi nag render na ako ng more than 60 days dahil wala pa daw ako kuno kapalit. Tapos po nung last day ko na sana, mga hapon may pinahanap sila saakin pero diko nahanap so napilitan ako pumasok ulit ng monday (since last day ko is sabado) tapos diko po nahanap ulit, bumalik po ulit pero gulat ako nadagdagan po pinapahanap saakin. Tapos po pag diko daw po nahanap, di daw po pipirmahan clearance ko.
Tapos ngayon, sabi po ng HR sakin pag di nakumpleto clearance. Di daw po mapaprocess final pay ko.
Ask ko lang po if pwede yun?
Ang dami kong araw non to comply sa mga need nila sakin pero saka lang sila nagpacomply nung last day ko na.
In fact nadelay pa byahe ko dahil sakanila and di ako naka attend ng interview ko sana. Nasstress napo kasi ako, byti sana kung maliit na halaga lang final pay ko pero di eh almost 2 years po ako don.
Salamat po sa sasagot.