How to get rid of deep pitted scars?

How to get rid of deep pitted scars?

Gender: Female
Main Concern: Years Long Deep Pitted Shingle Scars
Budget: Any amount would do as long as effective, pero if possible, sana student friendly
Additional Info: Nung nasa grade school ako, nagka-shingles ako. Kinalikot ko siya hanggang sa matanggal yung scabs niya kasi sabi sakin magheheal naman daw ito. Years have passed, nasa college na ako, pero hindi na ito ever nagheal. I have been insecure about this ever since I was young. Akala ko paglaki ko pababayaan ko nalang ito, but there are still people pointing it out. May alam ba kayong paraan para matanggal or kahit mabawasan appearance nito? May mga marerecommend ba kayong derma clinics para dito?

u/No-Mine4969 — 10 days ago
▲ 21 r/peyups

[UPX] I feel so behind among all my progmates

For context, isa akong freshie na nasa isang math-heavy na program. I am not the best at math, at halos lahat ng math topics from SHS, kahit STEM pa ako, nakalimutan ko na. Kaya, pahirapan talaga during lectures kasi hindi ako makasunod.

Kahapon, nag-exam kami sa calculus at hirap na hirap ako sagutin. Nag-aral ako buong magdamag for two days straight, and still, hindi pa rin enough inaral ko. Inaral ko lahat ng slide presentations, learning materials, at mga practice exercises na binigay. Ayun, nagets ko naman siya, pero nung nag-exam na, doon na ako pumalpak. Nung una, okay pa ko sa mga tanong na katulad nung mga prinovide sa amin, pero bandang dulo, nawala na ko kasi may mga tanong na hindi ko pa na-encounter or wala sa mga learning material na binigay sa amin.

After the exam, nagtanong ako sa mga ka-block ko, at sabi nila nasagutan naman daw nila lahat. Nung nagpaturo pa ako sa isa kong ka-prog tungkol sa isang mahirap na tanong, nagets niya pa rin kahit hindi naman 'yon binigay as an example dati. Hindi ko alam kung tanga ba ko at sadyang mas matalino o mas gamay nila kasi hilig nila ang math batay sa mga extracurriculars at experiences nila, pero hindi ko talaga maintindihan at feel ko sobrang behind at ang bobo ko. Nagsulat nalang ako ng kahit anong solution sa papel ko no'n kasi wala talaga akong ideya kung paano i-solve, samantalang mga kasama ko, pinag-uusapan pa nila after nung exam yung mga tanong tapos ako nakikinig lang sa mga sinasabi nila't wala naman naiintindihan.

Ngayon, medyo na-ooverwhelm na ko. Isa kong prof sa calculus nagtatawag ng students, which expect naman na kasi nasa college nga, pero hindi ko talaga alam kung pano sagutin mga pinapagawa niya during class. Nagtanong siya sa akin ng tanong tungkol sa concept, at hindi ko man lang ito nasagot. Lahat sila nakakasagot, ako lang hindi. Nadradrain at naprepressure lang ako kasi kailangan ko talaga double the effort sa klase na 'to kasi ayoko naman mapahiya't walang masabi kung tatawagin niya na ako. Tinanong ko yung kabilang class kung ganon din ba yung naassign na calculus prof sa kanila, ta's sabi nila hindi naman daw gano'n.

Tangang tanga ako sa sarili ko, kahit kasisimula palang namin. Mga example pa online, hindi naman kasing hirap nung mga tanong dito, kaya walang wala na ako. Gusto ko lang sana magtanong din kung may mga nakasama ba kayong ganito rin, at pano sila naka-adjust? Ano mga study tips niyo para makasunod, at maiintidihan mga lesson kahit yung mga mahihirap at mga hindi pinakitang example during class?

reddit.com
u/No-Mine4969 — 1 month ago

Bluebook Stores Open Before 8am

Saan po malapit na mabibilhan sa UPM na nagbebenta po ng bluebook? May bukas po ba na store ng 8am?

reddit.com
u/No-Mine4969 — 1 month ago

Transfer From UPM ComSci to UPD ComSci

Hi! Sa mga nag-transfer po ng UPM ComSci to UPD ComSci, ano po specifically yung crinedit na units sainyo at ilan pong units 'yon? Kung graduate na po kayo, pa'no po kayo nakabawi para masabayan niyo mga batchmates niyo?

reddit.com
u/No-Mine4969 — 2 months ago

UPM Manual Appeals

Hi! Are there any successful appeal applicants here? I currently have a 2.3xx UPG and, to be honest, I’m starting to lose hope a bit since there are still many DPWAS and waitlisted applicants who haven’t secured a slot yet.
I’d love to hear about your appeal experience and ask a few questions, especially if you were able to get admitted through the manual appeals process. Thank youu! 🥹

reddit.com
u/No-Mine4969 — 4 months ago