

Got scammed by a tattoo artist tonight
I paid ₱12,000 DP for a tattoo artist's line art and to get the tattoo done. Siya nag offer July 1 to do the tattoo but they ditched, may emergency daw. Hindi nagbigay ng rescheduled date kasi busy daw siya. Ito mga binigay na rason:
- Out of town week of July 12
- Out of the country week of July 19
- May surgery after July 19
- Need to recover after surgery
Partida ang sinabi lang niya nung una was 1 & 2, not until hindi na ako nireplyan for one week and nag follow up ulit ako. Tonight lang niya sinabi na may surgery din pala siya after July 19 and akala niya July 19 pa siya magrereply ulit sakin after ko nag follow up kailan na ulit yung session. Ha?? Bakit? So aantayin ko reply niya for 2 weeks pa pala? HAHAHAHAHAH so wala pala siya balak replyan ako for 2 weeks after nung huling follow up ko nung tinatanong ko kailan na kaya yung final date HAHAHAHAHAHAHAHAH
Sabi ko refund nalang po kung hindi talaga magtugma sa sched. ₱1,500 lang binalik sakin. Sabi niya ₱10,500 kasi yung design on paper. Nagbigay siya ng terms tonight lang rin niya binanggit na 50/50 art on paper and art on skin daw presyo eh 7 na pusa na line art yung ginawa niya. Never nga niya natapos ng maayos eh, for revision pa dapat on the day of the session pa yon.
Ang ending ako pa ginaslight and nascam, di nalang niya sabihin nagastos na kasi niya yung pera ko kakaenjoy imbes na nagbigay ng time na maghanap ng final schedule namin this July hahahaha ang lala grabe. Nawalan na ako ng energy kausapin kaya vinevent ko nalang dito yung bigat ng puso ko hahahaha. Ginamitan pa ako ng mental health card, lahat ata ng excuse binigay tapos ending ₱1,500 lang kayang ibalik hahahahahaha