Image 1 — Government nurses na pinapasahod galing sa tax
Image 2 — Government nurses na pinapasahod galing sa tax
Image 3 — Government nurses na pinapasahod galing sa tax
Image 4 — Government nurses na pinapasahod galing sa tax

Government nurses na pinapasahod galing sa tax

For context, yung video sa tiktok eh nanganak sya sa public hospital. Libre daw lahat and zero bill sya but you need to tough kasi iba daw treatment ng mga nagwowork sa govt vs. private. Gets ko naman na hindi dapat maging rude mga HCW at hindi yun tama. May isang entitled na nagcomment. Bakit ba lagi nilang nirerebutt na sila nagpapasahod na galing sa tax nila. Bakit di ba nagbabayad/nakakaltasan ng tax yung mga nagwowork sa govt hospital? Hayyy! Hirap maging nurse sa Pinas talaga.

u/No_Swordfish8426 — 1 day ago
▲ 2 r/OffMyChestPH+1 crossposts

Missing my mom

Here I am again, 52 days after cutting off my family.

Ang dilemma ko ngayon... sobrang nami-miss ko yung mama ko.
Malapit na akong manganak, and habang papalapit yung due date ko, mas lalo akong nagiging emotional. Ang hirap pala kapag alam mong gusto mo lang ng magulang sa tabi mo sa ganitong panahon.

Pero pinili ko 'tong path na 'to kasi alam kong ito yung makakabuti para sa akin at sa baby ko. Hindi naging madali yung desisyon, at hanggang ngayon masakit pa rin.

I just miss her. Sobrang miss na miss ko siya.
And I'm crying while typing this. I don't even know if I'm looking for advice or if I just needed to let this out. Siguro gusto ko lang may makaintindi sa nararamdaman ko ngayon.

reddit.com
u/No_Swordfish8426 — 1 day ago

Maternity Hospital

Hello Mommies from Antipolo who recently gave birth. I need OB and hospital reco po sana. And kindly share na rin po yung birth experience nyo.

Salamat po ng madami!

reddit.com
u/No_Swordfish8426 — 15 days ago

Delgado OB Reco

Hello po!

Uuwi pa lang po ako ng Pilipinas at plano ko ring sa Dr. Jesus Delgado Memorial Hospital manganak, kaya naghahanap na sana ako ng OB na pwede kong maging doctor hanggang delivery.

Ask ko na rin po kung paano ang process kapag first time magpapacheck-up sa Delgado. Okay lang po ba na mag-walk in at doon na lang maghanap ng available na OB, o mas okay na magpa-appointment muna? Paano po ninyo nahanap yung OB ninyo?

Thank You!

reddit.com
u/No_Swordfish8426 — 22 days ago

Kapatid na paborito

Hi Reddit. Gusto ko lang ilabas ’to kasi sasabog na ako.
Dalawa lang kaming magkapatid. Ako ang panganay (32F), working as a nurse dito sa abroad. Ako ang breadwinner. Buntis ako ngayon, at imbes na peace of mind ang maranasan ko, puro stress ang hatid ng pamilya ko sa Pinas. May nabasa ako nung isang araw dito na kung sino pa yung walang ambag sa pamilya sila pa yung paborito at isa ako nakaexperience ng ganung sitwasyon.

Ang kapatid ko (27M) lulong sa sugal. Paulit-ulit na ang cycle: gagawa ng mabigat na kasalanan, lalayas, tapos manggu-guilt trip kay Mama. Alam kasi niyang may sakit si Mama at hindi siya matitiis, kaya ending, pinagtatakpan at pinagbibigyan na naman siya.
Pero ito na yung pinakamalala: Nanghiram siya ng motor sa kaibigan niya, tapos sinangla niya para pambayad sa utang niya sa sugal! Pinaghahanap siya ngayon nung mga tao. Noong hindi siya mahanap, yung nanay pa namin ang dinala sa barangay at pinapirma sa kasunduan na si Mama ang magbabayad ng utang niya.

Ngayon, pinauwi na naman siya ni Mama kasi kinausap na daw ng Tito namin yung mga tao at "safe" na raw siya. Sawang-sawa na ako sa kauratan nila. Palamunin na nga yung kapatid ko, ako pa yung lumalabas na masama.

Ang sakit lang kasi planado ko na sana na dalhin si Mama dito sa bansa kung nasaan ako para makasama ko siya sa panganganak ko. Excited pa naman siya sa magiging apo niya. Pero parang nawala lahat ng plans ko. Mas pinili niya yung paborito niyang anak na walang ambag kundi sakit sa ulo. Ang masaklap pa, ako pa yung sinumpa at sinabihan na wag ko na daw silang ituring na pamilya.

Tinotoo ko na yung sinabi ng mama namin na hindi ko na sila pamilya. Masakit man sakin pero alam ko na tama yung gagawin ko na icut off sila. Inihanda ko na din sarili ko na kung anuman mangyari kay mama, hindi ko na kasalanan yun. Magpofocus na lang ako sa pamilyang meron ako ngayon

reddit.com
u/No_Swordfish8426 — 2 months ago