Pwede ba namin i-ban sa business namin ang mga mapanglait na kamag-anak kahit hindi nila alam na sa amin yung establishment?
Problem/goal:
Nagdesisyon kami ng mga kapatid ko na we don't want to be associated with some of our relatives anymore dahil sa walang katapusang pambabastos, panlalait, at pangmamaliit nila sa amin noon pa, specially yung isang pinsan namin using our educational background para pagmukhain kaming mga kawawa sa ibang tao at minamaliit. Ayaw na naming maging plastic sa kanila o magpanggap na okay lang ang lahat pagkatapos ng lahat. Palagi nila kaming minamaliit, pero dahil sa pagsisikap namin, naging matagumpay kami at palihim kaming nagmamay-ari ng ilang business establishments ngayon. Walang kaalam-alam itong mga kamag-anak namin na sa amin pala yung certain business na yun. Dahil sa walang tigil nilang paninira at pambabastos sa amin behind our backs, gusto namin silang i-restrict sa mga establishments namin. Ayaw naming tinatapakan nila ang mga pag-aari namin o nakikinabang sila sa pinaghirapan namin, at higit sa lahat, gusto naming protektahan ang kapayapaan ng negosyo namin and ourselves. When we were still building our business, we decided na itago talaga ito sa mga kamag anak na yun dahil some of them tried to sabotage us in the past, ngayon maayos at lumago na ang negosyo namin.
Legally speaking, do we have the absolute right na mag-refuse of service at mag-deny ng entry sa mga particular na kamag-anak na ito sa aming mga business establishments. Dahil hindi nga nila alam na kami ang may-ari, pwede ba naming ipamahagi lang ang mga litrato at pangalan nila sa aming mga security guards, managers, at frontliners na may mahigpit na utos na harangan sila sa pinto at tanggihan sila sa anumang transaksyon? May legal liability ba ang business namin kung gawin ito ng staff namin? Ano ang legal implications kung magpilit silang pumasok o gumawa sila ng eksena sa establishment kapag hinaharangan na sila ng security, at maaari ba namin silang ipaaresto agad sa pulis for Trespassing? Gusto lang namin ma-enforce ang boundary na ito nang malinis at legal para masiguradong hindi na sila makakatapak sa mga negosyo namin.
Salamat po sa mga sasagot.