ABYG kung gusto ko unahin ang sarili kong pangarap
Hindi ko alam kung masama ba akong tao dahil gusto ko lang naman unahin muna ngayon ang sarili kong pangarap.
Recently, naghiwalay ang kapatid ko at ang asawa niya. Yung bata, napunta sa kapatid ko, and I understand na bilang single dad, kailangan niyang magtrabaho para sa anak niya. Wala naman akong problema roon.
Ang problema, unti-unting napunta sa akin ang responsibilidad na dapat sana ay sa kanya.
Hatid-sundo sa school, pag-aasikaso, paggawa ng school activities, pag-aalaga. Lalo na ngayon na panahon ng bagyo at walang pasok, halos sunod-sunod ang kailangang ipagawa sa kinder. lalo na ang pag tuturo magbasa kung saan nauubos ang oras ko dahil inaabot ng ilang oras
Fresh graduate ako. Next month, magte-take ako ng board exam. May pangarap akong gustong i-pursue. Gusto kong ibigay yung best ko. Gusto kong mag-focus at kung papalarin, mag-top dahil yon naman talaga ang goal ko, hindi naman masama mangarap diba?
Pero paano ko gagawin 'yon kung habang pinipilit kong buuin ang sarili kong future, kailangan ko ring buhatin ang responsibilidad na hindi naman dapat sa akin?
Hindi naman ako tumatanggi tumulong. Hindi naman ibig sabihin na wala akong pakialam sa pamangkin ko. Mahal ko siya pero pakiramdam ko nauubusan ako ng oras para sa sarili ko. kung dati, nakakapag review ako mag hapon, ngayon hindi na kasi kelangan ko turuan sya at kelangan bantayan. Yung ama nya? papasok, pag uwi matutulog and vice versa. kapag rest day, mag iinom pa tapos sa amin iiwan ang bata, uuwi lasing na lasing.
Ang hirap lang tanggapin na kapag ako ang may pangarap, parang kailangan ko munang isipin ang lahat bago ang sarili ko. Samantalang nung sila ang may pangarap na gustong abutin, hindi naman nila kailangang isantabi ang sarili nilang future para sa ibang tao.
ABYG kung nagagalit ako sa kapatid ko at sa asawa nyang wala na kaming balita? pano ba nakakaya ng isang ina na iwan ang anak na pinalaki at inalaagaan mo ng ilang taon?