HORRIBLE SERVICE!
Grabe ang PLDT, simula Dec 16, 2025 hanggang ngayon July 2026 wala padin kaming internet.
Pinuntahan ko na ang nearest office nila multiple times.
1st. Report sa Tech team thru their office landline
2nd. Followed up ulet after two weeks
3rd. Talked to in person sa office regarding the account after a month of no connection
4th. May pumunta sa amin pero sumilip lang walang action plan.
5th. Nag follow up ulet ako ano na next steps. options ay antayin bumalik ung tech team or kung wala disconnect na
6th. Walang nagpunta so nag pp disconnect na ako and applied for rebate dahil na bibill ako ilang months pero walang nangyayari. Sabi may tatawag daw sa steps to disconnect and re apply ulet ng rebate
May tumawag pero hindi pra i assist ako pero kungi offeran ako ng chicken mcdo basta bayaran ko ung remaining balance. Eh dapat wala kaming babayaran kasi all through out ng ilang months walang net.
Napagod na ako pumunta sa office Nila. Ask ko lang if hayaan ko nalang ba or sugod ulit sa office at magalit na talaga?
Need advice as well since need ko internet pero aalis na din kami dito sa tinitirhan less than a year, ang hirap mag hanap ng connection na walang locked in period baka po may ma-advice na alternatives po kayo.