Resigning from DepEd after almost 7 years to work abroad. Tama ba ang desisyon ko?
Hi everyone.
Gusto ko lang sana humingi ng opinyon at payo, lalo na sa mga dating DepEd teachers at mga nagdesisyong magtrabaho sa ibang bansa.
Teacher I ako sa DepEd at almost 7 years na sa service. Naisip kong mag-resign dahil gusto kong subukan ang mas magandang oportunidad sa abroad, partikular sa UAE. Hindi naging madali ang desisyong ito dahil stable na ang work ko sa DepEd at marami na rin akong nabuo na relasyon sa mga estudyante at kasamahan.
But then, gusto ko ring magkaroon ng mas magandang kita para makatulong sa pamilya at makapag-ipon para sa kinabukasan. Aminado akong natatakot ako sa uncertainty—bagong bansa, bagong trabaho, at panibagong buhay lalo na breadwinner ako.
Gusto ko subukan kung hanggang saan ba ako dadalhin ng ambisyon kong umangat sa buhay. ✨
(July 21, 2026 last day kona sa DepEd)
Any advice and message po 🥹