Red flag ba siya?
Hi alasfeels pips! Di ko alam kung redflag ba siya sa part na ito or talagang red flag siya literal.
Context: we've been together since November pa, but first meet namin was april. Then, okay naman flow ng relationship namin. Pero kase, napapansin ko kada hihiram siya sakin ng money and pag di ko napapahiram, ang cold ng mga chats niya like, naka online naman siya pero di niya magawang i seen yung chat ko or mag sabi man lang kung anong ginagawa niya. Tulad kanina manghihiram sana siya kaso, sabi ko need ko ng budget since wala akong work. Tapos, ayun ganun ang ending. Nag chachat pero ramdam mong pilit lang yung chat niya, yung ily and imy niya parang di sincere. Hays, di ko na alam.