hyphy bodega angeles - dami nawalan ng phone last night

Ingat sa mga may balak magbar sa Hyphy Bodega. Andami nawalan ng phone last night/kaninang madaling araw mahigit 5 sila.

Parang group yung pickpockets then tinatarget nila yung nakapaligid sa DJ area. Simple silang lalapit sa likod nyo then makikivibe, tapos ninanakawan na pala bulsa niyo.

The manager was also UNHELPFUL. Walang sense of urgency and ayaw ilockdown man lang yung bar even though may nagsumbong na na kakawala lang ng phone niya. He was also so unbothered and desensitized (bcs apparently gabi gabi may nawawalan ng phone dyan). We were reviewing the cctv tas siya pavape vape lang and tawa tawa with others.

Basta mag ingat kayo, last location ng dalawa sa mga phone na nakuha ay pa-makati/mandaluyong.

reddit.com

hindi ko masikmura

May utang sakin si ate from our recent trip pero bayad niya na pala last month. Hindi ko na masyadong pinansin yun and nalimot ko na rin. Pero kanina nagfollow up siya and sabi niya magbabayad sya partially dun sa utang niya. So ako nagbackread ako ng convo, una kong nakita yung message na may details ng balance niya sakin. So sinend ko sakanya. Magttransfer na sana siya sakin pero I decided to check again (tbh gusto ko lang mamake sure na walang kulang sa computation ko lol). Tapos nagbayad na pala siya last month, as in no balance na siya, pero siya hindi niya maalala.

I would lie kung sinabi kong hindi ako natempt na wag sabihin sakanya na bayad na siya. Naisip ko andami ko na pwedeng mabili sa ibabayad niyang yun kung sakali. Pero after a while, sobrang pinagalitan ko yung sarili ko kasi hello?! Panggugulang yun kung sakali at panloloko ng tao.

Hindi ako humihingi ng praise or what, sobrang bare minimum non. In fact, gusto ko pa ireprimand yung sarili ko kasi sumagi pa sa isip ko na hindi siya sabihan.

Pero at the end of the day, hindi ko sya kayang gawin. Kaya pano nasisikmura ng ibang tao ang manloko ng iba? Pano nasisikmura ng mga scammers, mga kurakot na pulitiko yung wrongdoings nila?

I believe in karma, though. In the right time, we will get served what we deserve talaga.

reddit.com
u/Repulsive-Group-2793 — 9 days ago
▲ 2 r/PHGov

What to do kapag ayaw magbigay ng dry seal ng munisipyo

Good day! Kailangan ko pong magrequest ng certain certification mula sa isang branch ng munisipyo. Kumpleto naman po yung requirements ko at nabigyan naman ako ng certificate, pero kailangan ko po pala ay may dry seal. Pero hindi raw po sila nag iissue ng may dry seal. Pwede po ba yun o ayaw lang talaga nila magbigay? Ano pong pwedeng gawin? Ayaw po kasi tanggapin ng pagpapasahan ko kapag walang dry seal :(

reddit.com
u/Repulsive-Group-2793 — 25 days ago

Ano pong pwedeng gawin kapag ayaw mag-issue ng dry seal from munisipyo

Problem/Goal: Ayaw mag-issue ng munisipyo ng certificate with dry seal na nirerequire ng school ko

Context: Good day! Kailangan ko pong magrequest ng certain certification mula sa isang branch ng munisipyo. Kumpleto naman po yung requirements ko at nabigyan naman ako ng certificate, pero kailangan ko po pala ay may dry seal. Pero hindi raw po sila nag iissue ng may dry seal. Pwede po ba yun o ayaw lang talaga nila magbigay? Ano pong pwedeng gawin? Ayaw po kasi tanggapin ng pagpapasahan ko kapag walang dry seal :(

Previous attempts: Nagpunta at nagrequest yung nanay ko dun at inexplain na kailangan ng pagpapasahan ko yung may dry seal, pero ayaw po talaga nila.

reddit.com
u/Repulsive-Group-2793 — 25 days ago

FOR SALE: Goojodoq Magic Keyboard - ₱2,200

Selling my goojodoq magic keyboard (white) for ₱2,200. Location: Pampanga.

Can ship thru J&T.

RFS: not compatible with my new ipad

u/Repulsive-Group-2793 — 1 month ago

medschool without a support system from family— how hard was it?

Incoming freshie here. This might be a heavy topic but I want to hear from ate/kuya doctors here with similar situation as mine.

Has anyone here survived medschool without receiving any support from their family?

I am already financially independent during my undergrad, so I’m not expecting to receive any financial support from them before even applying for medschool. I am not dependent on them (even with my parents), and we’ve been distant even during my college days.

But I know that medschool is a different beast. I know that eventually, I’ll need someone to lean on, especially when things get too hard to handle. Eventually I’ll need someone to take care of me, not just financially but also in other aspects.

Kinda depressing knowing I won’t be able to receive that from my family. So if you had the same situation as mine, how hard was it? How did you cope? And what did you do to compensate the familial love and support you didn’t receive during medschool?

reddit.com
u/Repulsive-Group-2793 — 1 month ago

Na-barangay kapatid ko at ayaw niyang magpatransfer ng school

Sobrang bad influence ng mga barkada ng kapatid ko at twice na siyang nabarangay kasama sila. Yung una, may nakasuntukan group nila sa court, winarningan namin siya at malalang sermon talaga inabot niya. Binigyan namin siya ng benefit of the doubt kasi iniisip namin na baka sa barkada niya talaga yung problema. So sinabihan namin siya na lumayo sa mga yun.

Months later, nabalitaan naming nabarangay ulit siya kasama barkada niya. Ang malala, nagsinungaling siyang nadamay lang siya, pero the CCTV footage says otherwise. Sumuntok siya, isang beses. Ansakit nun para sakin as nakakatandang kapatid. Witnessing your little brother na inosente tapos ganito paglaki. Ngayon kinuha namin phone niya, and ang deal namin sakanya mababawi niya yun basta ittransfer sya sa ibang school at magsstay sa bahay ng sister ko. Aware kaming hindi siya titino hanggat di nawawala sa environment na yun.

Pero ayaw niya. Kahit di na raw niya mabawi yung phone niya, wag lang siya itransfer. Ansakit. Parang pinili niya na rin kasi barkada niya over us sa desisyon niyang yon. Sad pa kasi yung parents namin, parang sinermonan lang tas wala na. Palibhasa bunso na yung kapatid ko na to, parang tinamad na sila iapply yung pagkastrict nila samin noon.

Tinry na namin lahat. Kinausap namin siya nang maayos, para at least hindi sapilitan yung pagtransfer niya sa ibang school kung sakali, pero wala e.Ayaw niya. Ayaw na rin makimeddle ng ate ko, pagod na rin siya, kasi pati magulang namin parang siya na nagpparent e.

Wala lang. Nalulungkot ako para sa future ng kapatid ko. Mapapariwara siya sa lugar na yun for sure.

reddit.com
u/Repulsive-Group-2793 — 1 month ago

nakakamiss kumausap using my mother tongue

I’m from the province and my bf is from the nearby province lang, pero hindi kami same ng mother tongue. Tagalog sila sa place nila and hindi siya nakakaintindi ng mother tongue language namin. So our default language is Tagalog, which is okay naman.

Pero minsan, namimiss kong kumausap gamit yung nakasanayan ko. Nag-aral din kasi ako sa Manila so syempre sa interactions ko Tagalog talaga yung language. Bihira lang ako makaencounter ng same province tapos madalas Tagalog pa rin yung usapan namin.

Tinatry ko turuan bf ko and gusto niya rin naman matutunan, pero iba pa rin yung straight convo niyo ay mother tongue yung gamit.

reddit.com
u/Repulsive-Group-2793 — 2 months ago

FCPC units

Hi doks! May nakaregister/enroll na ba dito sa FCPC for their lacking units? Planning to enroll na pero I would love to read some feedback/review of their Medical Student Bridging Program.

Thanks in advance!

reddit.com
u/Repulsive-Group-2793 — 2 months ago

solo dorm around manila ❓

Hi dokies!! Baka meron sainyong pa-graduate/paalis na sa dorm nila (preferably solo) na around 7k lang yung rent. Baka pwede pabulong since ang hirap maghanap ng solo dorm/apartment for 1 pax na hindi overpriced 🥺

Please help me find a decent dorm near PLM 🙏🏼🙏🏼🙏🏼

reddit.com
u/Repulsive-Group-2793 — 2 months ago

I PASSED PLMCM!! 🥳

after weeks of worrying and anxiety, tapos na rin ang agony of waiting!! see you plmcm!! paghahandaan kita because i prayed for you so much 🙏🏼

congrats sa mga nakareceive and makakareceive ng acceptance letter!! 🫵🏽

my stats:
- surname initial: D (received email 2:20 pm)
- 99 pr
- 1.5x (mcl)
- plm

reddit.com
u/Repulsive-Group-2793 — 2 months ago

Halos 20 years old na ako nung nagkaroon ako ng sariling kwarto sa bahay namin. I cherished it a lot. Painted it and decorated it the way I’ve always wanted. Invested in an aircon too. I loved my room a lot. It gave me peace of mind and an escape when the house gets too toxic.

But I had to leave this ‘home’ because I couldn’t genuinely be at peace while living with my parents. I now live with my sister and my mental health has improved compared to when I was still living with my parents.

Ngayon, brother ko na nagsstay sa room ko (sira na kasi AC ng room niya). Kaso sobrang burara niya. Sobrang makalat. Andami pa niyang anik-anik and honestly, naging inhabitable na yung sarili niyang kwarto sa dami niyang gamit dun. Sobrang lala na parang hoarder type of shit na and dumating na sa point na ayaw ko nang pasukan yun kasi ambigat niya sa feeling.

Kaya sa room ko na siya nagkakalat. Sometimes umuuwi ako sa bahay ng parents ko to grab a few things from my room, then may one time na nagbreakdown talaga ako and nagalit kasi sobrang kalat ng room. Yung kwartong inaalagaan at nililinisan ko lagi, feeling ko binaboy niya.

Now, I want to let go of this room kasi it seems to be hopeless na. Ayaw niya makinig, and nature niya na rin siguro yung pagiging makalat niya. It’s out of my control kumbaga and dadagdag lang siya sa unnecessary stress as someone na hindi naman na nakatira dito.

I just hope I find the courage to let go of this room. Or sana mas pahalagahan niya na lang.

reddit.com
u/Repulsive-Group-2793 — 2 months ago