SILENCE MEANS YES?
TLDR: Nag file ng IR last week, nag retaliate si boss na mahilig sa OTY. Sinabon si whistleblower at pinahiya sa lahat dahil sa event na hindi naman pinapansin dati. Mag email ng dispute sa TL o mag file ng bagong IR?
Last week, nagpasa ako ng IR sa HR namin laban sa TL ko na niloloko kami para mag OTY. Sabi nya may bayad nung una, pero wala naman pala.
Today, nag retaliate sya at pinagalitan ako sa harap ng mga ka team mates ko tapos nag quote pa ng KB na hindi naman angkop sa sitwasyon. So nag OK na lang ako para matapos na ang usapan. Dati hindi ako pinapagalitan at pinapahiya pag ginawa ko un. Ginawa ko na dati 8 times, pero di naman ako sinabon dati. Documented evidence ko.
Question po:
Kailangan ko bang mag pasa ng written dispute para sa reprimand nya na obvious na retaliation naman? Mukha kasi na gumagawa na ng paraan si TL at si OM (kunsintidor si OM lalo na pag OTY) para ma tsugi ako sa company.
O mag file na lang ako ng bagong IR sa HR namin para marami akong ebidensya pag nag ka DOLEhan na?
Salamat po sa mga sasagot..