Pano kumawala sa cycle?

26 F, sobrang down na ng buhay ko na parang di na ako makakawala sa addiction na to. Every payday sobra yung pag pigil ko mag laro pero once sasagi na naman sa utak ko yung mga niloan ko na natalo, nagkaka urge ulit ako maglaro and ang ending talo na naman.

Cinonfront na ako ng mother ko about dito, alam nya kasi once na naglalaro kami ng mga pinsan ko ng online gambling pag nagkakasama sama kami for fun pero samin, ako lang yung hindi naka stop, pinagpa tuloy ko, nagsuspect na sya na baka naaaddict na ako sa sugal pero grabe pa rin yung pag deny ko and pag gawa ng kung ano anong palusot everytime na tinatanong nya sakin bakit lagi akong walang pera e more than enough yung kinikita ko sa work. She said some hurtful words and threatened na palayasin ako, that time natauhan ako and tumigil ako for a while pero pag mag isa na ako sa kwarto, at sobrang gulo ng isip, napapa cash in na naman ako. Im a professional architect pero behind closed door, isa akong gambling addict.

Willing naman ako tumigil, ginawa ko na every payday winiwidthraw ko lahat para walang matitira sa online bank para ipang cash-in, pero wala, twing gabi iniisip ko yung mga talo ko then kinabukasan iccash in din yung pera. Ang hirap, nakakapagod, alam kong kasalan ko lahat, pero sobrang hirap na. Umaabot na ako sa point na kahit pamasahe papuntang office or pang lunch man lang wala na talaga.

reddit.com
u/Southern-You744 — 3 days ago

Hi! I have a best friend na lahat ng struggles and problems ko sa kanya ko kinukwento, last week i hit my rock bottom and decided to end it, I attempted and failed. Gusto ko iopen to ask for help sana sa kanya pero before kasi nakkwento nya sakin yung ibang friends nya na sa kanya nag sasabi about their depression and sabi nya na ayaw daw nya ng ganon kasi nabbad mood daw sya or nahahatak din pababa yung emotional state nya. Yung other friends naman namin from the same circle is nakaka rining ako ng comments about depressions before na di daw nila gets and di daw nila alam pano ihandle and such kaya di ko alam kung saan or kanino hihingi ng help. My family is no help din sa mga ganito or psychiatrist is not an option din naman at the moment kasi unemployed ako and wala akong budget for that. Been trying to find a job pero sobrang nakaka affect talaga mental state ko sa job hunting ko.

Gusto ko humingi ng tulong pero di ko alam pano.

reddit.com
u/Southern-You744 — 4 months ago

Hi! Suggestions naman po kung saan talaga merong nag hhire na online job sites? JobStreet, Indeed, at LinkedIn yung mga pinapasahan ko pero wala talagang nag iinvite for interview. Since January pa ako unemployed and araw araw almost hundred yung job application na sinesendan ko pero wala pa rin. In a span of 4 months na looking for a job parang less than 5 pa lang yung interview schedule ko then wala rin naman update after.

If may maka basa nito na merong irerefer na work sakin, im a junior architect po for more than 3 years na, may experience din as interior designer and while working as full time junior architect, nag sideline ako as CAD drafter with singapore based projects. Let me know po if may alam kayong pwede kong applyan, badly needed a job na :(

reddit.com
u/Southern-You744 — 4 months ago

Feeling ko at this point s*icide na lang ang pwedeng gawin para matigil na tong addiction na to e. Actually until now di ko pa rin nirerecognize as addiction to, sinsabi ko sa sarili ko na sobrang dami lang talagang bayarin at wala ng ibag pagkukuhaan kaya sa sugal ako kumakapit para sa easy money, pero ang ending mas lalo lang akong walang nababayaran sa mga need bayaran.

May need akong bayaran tomorrow amounting to almost 20k and kanina meron akong last money na 7k. Buong weekends nasa account ko lang yun hindi ko nilalaro kasi gusto ko na talagang mag stop, pero ngayong gabi iniisip ko san ko kukunin yung pang bayad ko bukas kaya napaisip na naman na baka sakaling manalo. Pero ayon talo, mas lalong wala akong maibabayad bukas.

Pagod na ako, ayoko naman talaga ng ganitong may kinakaadikan ako e. Or hindi naman talaga ako addicted, wala naman akong nararamdaman na saya habang nag lalaro e, di ko rin sya hinahanap hanap or hindi ako kating kati mag laro pag may laman yung mga e-wallets ko. Sadyang sobrang dami lang talagang bayarin na wala ng ibang pagkukunan kaya sa sugal ako nagbabaka sakali. Sa dami ng utang ko gusto ko na lang mawala.

Pagod na ako.

reddit.com
u/Southern-You744 — 4 months ago