Potty Training

My son will be turning 2yrs old next month. Kaka-start lang namen ng potty training, we are on our 3rd day na. He showed sign of readiness na din kaya nag-start na kame.

1st day- successful.
He was able to do #1 and #2 in the toilet

2nd day- meh.
Feeling ko namimiss ko yung cues nya. pag inuupo ko sya sa toilet hindi sya nag-pee pero mamaya maya lang iihi sya sa floor.

pero good thing is, sinasabe nya saken pag nag-pee sya tapos ituturo pa nya saken where.

3rd day-same as 2nd day.

Hindi ko sya fino-force pag ayaw na nya sa toilet. I try to bring him sa toilet pagkagising sa umaga, after eating saka pag alam kong madame syang liquid na nainom after 20-30mins dalhin ko na sya sa toilet.

wala din syang diapers sa day time. only at night and nap times. pero dumating na today yung order kong waterproof sheet so I would like to try tonight na wala na ding diaper sa gabe.

Pero ewan ko, am I doing this wrong ba? para feeling ko namimissed ko mga cues nya 🥹

reddit.com

living in first world country

I’m a first time mom living abroad for a decade na pero grew up and raised in Philippines. My husband is also Filipino.

Na-realize ko lang na ang dameng opportunities ng mga bata dito. Pag tinanong mo sila anong dreams nila, madalas ang isasagot nila sayo be pro player at a specific sport or di kaya study abroad, be a pro dancer/singer, open my own shop etc.

Pwede pala yung ganon yung mangarap ka lang for yourself na walang iniisip na kahit ano. Ang saya yung freedom na ganon. Samantalang saten parang privilege na lang yun.

Kaya kahit wala na ko sa Pilipinas pag nakakakita ko ng news about sa politics sa bansa saten. Nakakagigil. As a mom, as a parent na nakakawalang pag-asa. Nakakaawa ang mga kabataang Pilipino. Ang dameng sana. Ang dameng pangarap yung pwedeng matupad.

reddit.com
u/Specialist-Grass8402 — 10 days ago

balik alindog program

almost 2yrs postpartum SAHM na walang village kundi si husband. super nalosyang talaga ako kase nasa abroad din kame. so from household chores, doctor appointments, alaga kay baby, cleaning, cooking and all ako na yan.

my husband works 12hrs a day 5-6x a week. kaya tinanggap ko na ito ang role ko ng buong puso si husband ay ganon din. tulungan na lang kame kahit sobrang hirap talaga.

anyways, ngayong almost 2yrs old na si baby. and hindi na sya ganong ka-clingy saken. naisipan ko na mag-ayos ng sarili ko kase hindi ko na talaga nagugustuhan ang nakikita ko sa mirror. lage ko sinasabe noon na, sa susunod na. pero ito na. 2 months in na ko.

sobrang happy ko kase nakikita ko na yung results na diet ko and discipline. wala pa ko sa target weight ko pero sobrang saya ko na sa small wins ko. yung ramdam kong di na ganon kasikip saken mga damet ko.

nakakapag-skincare na ko ulit, nakakapag-suklay. lahat to support ang asawa ko. kaya sobrang happy ko kase nabalik na din unti-unti confidence ko. napapansin na din ng mga tao na parang pumapayat na daw ako.

I feel good, lighter and happier. kaya sa mga mommies na feeling nyo walang light sa end ng tunnel lalo na sa mga may newborn pa. hindi tayo forever losyang. di tayo papayag ng ganon. labaaaan! our body is amazing, credible and strong! 🥳

reddit.com
u/Specialist-Grass8402 — 14 days ago

as a trentahin

grabe no pag trentahin ka na. parang nauubos yung motivation ko. Aminado ako nung teenager at 20s ko, sobrang ambisyosa talaga ko. Yung tipong pag may naisip ako, gagawin ko talaga sya. tapos gusto ko pa ora mismo.

kahit di ko alam pano ko sya sisimulan basta ganon. tapos pag andun na ko sa sitwasyon dun ko lang maiisip na, mahirap pala pero no option na mag-quit kase nanghihinayang na ko. ito na eh. ang ending lage naman akong winner. nalalampasan ko sya. I would say my entire 20s, I’m top of my game.

time, money, youth, energy, freedom, lovelife meron ako nun. I entered my 30s, napag-decide namen ng bf ko na magpakasal na. kase what’s next na? feeling ko naman nagawa ko na yung mga gusto kong gawin.

Don’t get me wrong ah. sobrang happy and grateful din ako sa life ko now. pero ganito pala pag-adult ka na. Ang cravings mo na lang eh peace at happiness. kumbaga, kuntento. Ngayon ko lang na-experience yung slow living. Kase entire 20s ko, ewan ko ba. pakiramdam ko may humahabol saken palagi kahit wala naman. ang dame kong gustong patunayan at marating. ganon ata talaga pag bata ka pa.

pero minsan namimiss ko yung ‘drive’ na meron ako in life. sa totoo lang, i don’t know what’s next for me. masaya lang ako na nakikita ko yung anak kong masaya. healthy kameng buong pamilya at nagkaka-sundo ng asawa ko.

reddit.com
u/Specialist-Grass8402 — 14 days ago

sister-in-law

pag sinuwerte sa mother-in-law pero sa sis-in-law parang hindi.

context: youngest among the siblings ang asawa ko. 4 sila. sya lang only boy. yung panganay nya ate talaga kahit malapit nasa mid-40s na ewan ko parang mas matured pa ko. nasa early 30s kame.

eldest daughter din pala ako sa family namen kaya ako eh naloloka sa ate nya parang hindi panganay. so may 2 syang anak. naka-graduate na yung isa and isa na lang nag-aaral. pero yung mga yun pinaaral ng parents nila at nung isang sibling nila. kase sya tamad.

fast forward, ngayon nag-draw na ng boundaries yung isang sister nila kaya napilitan na syang mag work para sa bunso nya na nag-aaral pa. pero senior na parents nila. and mga anak na lang nya ang kasama ng parents nila. wala na din mga kapatid nya may kanya kanya na family so wala na kapisan sa bahay ang in-laws ko tanging mga anak na lang nya.

tapos ngayon ino-obliga nya mga kapatid nya. including my husband na magpadala. kahit sya mismo naman nasa abroad na din. and sya naman talaga dapat mag-padala sa parents nila dahil hello until now iniintindi ng magulang nya mga anak nya.

pero ang kwento saken ng mother-in-law ko hindi daw nagpapadala ng pera yung sis-in-law ko sa kanila. kahit andun mga anak nya sa poder nila.

eh kame naman ni husband kahit nasa abroad din single income kame now dahil maliit pa anak namen di ako naka-work. sakto lang lage ang kinikita ni husband. wala naman problema saken na magpadala si husband kung emergency and need talaga. pero knowing my sis-in-law gusto nya magpadala mga kapatid nya para sa mga anak din nya.

kase gusto nya sa bank account ng anak nya ipasok yung pera kahit may bank accounts naman in-laws ko. so hindi talaga para sa parents nila.

kase sya nga hindi pala nagpapadala eh. di ba anong logic yan? pero ayun lang. knowing my husband hindi sya papauto sa sister nya.

reddit.com
u/Specialist-Grass8402 — 23 days ago

growing up privilege

grabe pala no. ibang-iba pala talaga ang buhay ng may pamilya na sa single. no, it’s not a bad thing pero gusto ko lang to share.

3yrs palang kameng married and we have 1 toddler. pero minsan nagre-reminisce kame ni husband ng buhay namen before married life and a child.

naalala lang namen na sobrang privilege pala namen both growing up (salute to our parents). yung families namen hindi naman mayaman, pero may kaya naman. we both studied private schools from elementary to college.

teenager years namen nakakapag-travel, gala with friends, nabibili ang mga luho. tapos nung nagkawork na kame. walang ‘breadwinner’ mindset sa families namen kaya solo namen mga sweldo namen. kaya nakakapag out of country kame dalawa and all. nakakain sa labas anytime we want.

now we got married and as parents, na-amaze kame sa parents namen kase kinaya nila yun. though, hindi naman kame hirap ni husband pero syempre natututo na din kame magtipid kase nga may anak na kame. hindi na pwede yung gusto ko lang kaya bibilhin ko. iisipin na namen yung anak namen ganon ba.

we strived na sana mabigay din namen ang wants and needs ng anak namen as long as we can. 🥹☺️

reddit.com
u/Specialist-Grass8402 — 1 month ago

parenting?

may nabasa ko na question na ganito, anong effect sa bata pag both working ang parents at ang nagpalake ay grandparents or yaya or any trusted adult versus sa may isang parent na tutok sa anak?

anong thoughts nyo dito mga mi? na-curious din ako gusto ko lang malaman. and of course, iba-iba naman ang situation ng bawat family.

reddit.com
u/Specialist-Grass8402 — 1 month ago

ang sarap ng may magulang

I’m not in my best lately. May pinagdadaanan kameng mag-asawa lately.

Sobrang pagod na yung puso, utak at katawan ko. 3yrs palang kameng married. So far ito na ata yung pinakamalala nameng away.

For the first time din, nag-layas ako kasama anak namen pauwe sa magulang ko. Hindi ko to gawain kahit may mga away kame before.

Hindi ako nagsumbong. Wala akong sinabe na kahit ano. sabe ko lang, pagod ako mag alaga. gusto ko lang magpahinga.

hindi sya nagtanong kahit biglaan yung punta ko sa bahay. inalagaan ng nanay ko anak ko nakatulog ako. Nilibre nya kong pagkain sa labas. Kahit wala akong sinabe na kahit ano.

Ramdam ko na alam ng nanay ko na may pinagdadaanan ako. Kahit hindi ako nagsasalita. Ramdam kong yun yung way ng nanay ko na i-comfort ako.

Naiiyak ako habang tina-type to. sana humaba pa buhay ng mga magulang naten. hindi natatapos ang pagiging magulang kahit adult na mga anak nila. hays.

reddit.com
u/Specialist-Grass8402 — 1 month ago

Adulting

I’m just in my early 30s but when I was in my 20s I was living alone that entire time. Busy working in the city. Living my best life. Loving the career I had. Traveling, eating good food and all.

I also love to spend my time talking to different kind of people with different types of age range. Naalala ko lang one time, I was drinking with my uncles and fiancé. We are all OFW from different parts of the globe. Timely lang nakauwe kameng lahat for my wedding. So good time, chikahan. while dumadame alcohol, lumalalim din usapan.

Ina-admire ko tong uncle ko na to kase he is full of wisdom. He gave me an advice sabe nya ‘habang tumatanda ka, palungkot ng palungkot. so make sure na may nilu-look forward ka in life. kahit simpleng bakasyon. dinner. first time na experience. para may gana ka din mag-trabaho. hindi naman kailangan engrade. something you can look forward to keep going’

Until now, that conversation naka-stuck sya saken. And we took it by heart talaga. Kaya ngayon kahit sobrang busy namen ng asawa ko na parang in the loop na lang kame. We remind ourselves to do something for the first time. Ayun lang. ☺️

reddit.com
u/Specialist-Grass8402 — 2 months ago

survival mode

ganito pala yung survival mode. 3yrs palang kameng kasal ng asawa ko pero only this year ko naramdaman na ang hirap pala ng one income household.

yung kada sahod ng asawa ko, lahat yung nakalaan na sa mga bills at groceries. as in wala na natitira for leisure.

pero grateful pa din ako kase kahit na ganito nairaraos namen mag asawa yung buwan buwan na bills at hindi kame nagugutom. hindi din kame naga-away sa pera but more on tulungan.

di pa ko makatrabaho dahil maliit pa anak namen pero kung ano ano tinitinda ko online. para kahit papano makatulong sa asawa ko.

wala kameng mga utang at wala ding bisyo. kaya laban lang tayo sa araw-araw kahit na madame saten eh surviving pero nairaraos.

matatapos din to. lalake din mga anak naten. makakaluwag din. makakapag bakasyon din. 🤞🏽☺️

reddit.com
u/Specialist-Grass8402 — 2 months ago

diet dietan as a padede mom

ang lake talaga na na-gain kong weight. pre-pregnancy to now more than 10kg. lalo na exclusive breastfeeding anak ko until now.

almost 2yrs postpartum na ko and naisipan ko last month na magpapayat ng pakonti konti kahit na padede mom ako. panget na panget kase talaga ko sa sarili ko. wala kong kagana gana mag suot ng magagandang damit or mag picture feeling ko ang taba taba ko. 68kg ako nung nag start.

after a month, 2kg nawala saken. sobrang saya ko. sa totoo lang wala naman akong special na ginawa. one cup rice lang ako entire day ko na yun. pero lahat naman kinakain ko pa din. malakas ako sa ulam. tapos kapag nakaramdam akong gutom kumakain ako. pakonti konti kaysa tiisin ko tapos in one meal sobrang kain.

di na din ako nagmi-midnight snack. noon kase wala talaga akong control. di din ako nage-exercise pero lahat sa gawain bahay ako plus alaga kay baby. nasa work ang asawa ko 10-12hrs a day. and wala kameng katulong or kamag anak na malapit. kaya solo ko lahat dito sa bahay.

ayun lang. share ko lang kase sobrang natuwa ako 🤗

reddit.com
u/Specialist-Grass8402 — 2 months ago

I forgot I used to love long drives

First-time mom here, one year postpartum. Before having my child, I lived alone in the city while my parents lived in the countryside, almost a 3hrs drive away via the expressway. Every month, I would visit them.

I always left my house around 8 PM and arrived there at 10 PM. I remember the bright city lights from skyscrapers and streetlights, the wind on my face as I drove around 80 km/h, my music blasting while I sang along so I wouldn’t get sleepy driving alone.

My cue that I was getting near was when I started seeing fewer cars and more mountains and nature scenery. It always felt like a transition from bright city lights to nature’s beauty.

Then I became a mom. There was a phase when I was terrified of driving because the moment I placed my baby in his car seat, the screaming and crying never stopped. I can’t remember how many times I pulled into convenience store parking lots just to comfort him. I started associating driving with fear.

After one year, my baby is now comfortable in his car seat, no more crying. But still, I’m not confident doing long drives with just me and him. I tend to worry. The worry never fully fades, that he might cry or need something while I’m driving.

But tonight, I left my son at home with his dad while I ran some errands. I can’t remember the last time I drove alone at night.

Nostalgia hit me. I played music, rolled the windows down. Living in the countryside now, the view is different, but the wind on my face and the same music I used to listen to brought everything back. It wasn’t even a 20min drive back and forth, but it was enough for me. I didn’t notice I had started crying.

All the memories came rushing back. I think I’m still mourning my old self, my old life. No regrets, because I love my little family. It’s everything I prayed for. But tonight, I just wanted to honor my feelings.

reddit.com
u/Specialist-Grass8402 — 3 months ago

anong pinakanami-miss nyo gawin before maging dakilang ina?

Anong mga bagay na nami-miss nyong gawin before your child pero naka-pause for now dahil busy sa paga-alaga ng mga anak? or dahil sa wala pa budget mas need unahin ang needs ng family?

saken sobrang namimiss ko na mag-travel. yung feels na first time mo ulit sa isang lugar, exploring, iba yung simoy ng hangin. yung adventure feels. excitement. packing outfits.

reddit.com
u/Specialist-Grass8402 — 3 months ago

Parenting tips?

My son is gonna turn 2 this year and I already noticed the changes in his behavior.

Mas madame ng tantrums, iyakan, pag di nya nakukuha gusto nya grabe talaga yung iyak. May hitting na din. Nanabunot and pag sobrang tuwa naman nya nangha-hampas and nangungurot.

Pag may hitting, I teach him ‘gentle hands’ pero nahihirapan ako sa pag may gusto sya na delikado sa kanya ganyan. sobrang nagwawala pag kinuha.

before din, I let him explore as much as possible with my supervision pag hindi naman delikado. Like, kunware naglalaro sya sa lababo namen pretend play washing dishes. I let him pero ang hirap awatin. sometimes I tell him ‘say good bye to the water and sink. we’ll play again next time’ sometimes nagana. sometimes hindi.

may resources din na nasasayang. minsan maabot nya yung tissue and di ko nakikita agad bunot sya ng bunot. pag kinuha ko super tantrums.

I guess anong ginagawa nyo para ma-manage toddler nyo? first time mom here. Ang hirap navigate. Also, I guess kasalanan ko din. di ko sya matiis. kahit mag-no ako. nagigive in ako.

my husband is also scolding me. I should be firm with my ‘no’. My son listen to his Dad pero saken hindi. 🫥🥹

reddit.com
u/Specialist-Grass8402 — 3 months ago

di ko alam kung totoo ba yung ‘nausog’ or ‘nabati’ ng tao ang baby or bata.

bale kase kanina dumalaw kame ng toddler ko sa Tita ko. tuwang-tuwa yung Tita ko sa anak ko. sabe pa nya ‘ang swerte mo sa anak mo. hindi sakitin’ which is totoo. kase bihira talaga magkasakit anak ko and ang tagal na nung last visit namen sa clinic na hindi ko na matandaan nga kailan last.

eh di after lunch umuwe na kame sa bahay namen. nag-nap na anak ko. then, nagising sya. sumuka sya sobrang dame. tapos nun kala ko tapos na okay na after suka. laro na sya ulit.

ilang mins lang after nun, suka nanaman sya ang dame ulit. hindi ako naniniwala sa bati na ganyan. pero pinabalik kame ng Tita ko baka nabati nya daw anak ko.

malakas daw syang maka-bati. pero naka-2x ulit na suka yung anak ko. tapos binuhusan ng Tita ko sa ulo yung anak ko ng tubig.

pina-doktor ko na din sya after and nabigyan na ng gamot. sana maging okay na lahat tonight. pero gusto ko lang malaman experiences ng ibang mommy dito.

kase pakiramdam ko totoo yung bati. ngayon lang to nangyare sa anak ko eh.

reddit.com
u/Specialist-Grass8402 — 4 months ago