i dont know what to feel anymore as a fresh graduate
so im a fresh grad and i recently graduated last month. way back before, i was always excited about graduating. always anticipating it mula 1st year college. naiimagine ko na sasahod ako at i would be able to have my own money and give back to my family. sabi ko pa kaya ko kahit anong trabaho, kakayanin ko para sa mga goals at dreams ko at sana magfast forward na ang time.
now, nandito na ko sa moment na to. sa time na finally, graduated na ko at makakahanap na ng trabaho.
but now idk what im feeling. i cant understand myself. kapag naghahanap ako ng trabaho and naiisip ko na yung mga kabatchmates ko is meron na, naiiyak ako. like nauuwi sa pagbbreakdown. gustong gusto ko magtrabaho at hanggat wala akong trabaho, pakiramdam ko malulubog lang ako sa lungkot. but then kapag nagkakaron naman ako ng offer, natatakot ako. kumakabog yung dibdib ko na hindi ko maintindihan. its like if walang trabaho and im just stuck, i feel so depressed tapos if something is coming naman, i feel so anxious. hirap na hirap na rin ko intindihin yung sarili ko right now. di ko alam ano bang problema ko hahaha ready ba ko o ano.