Please Don't DM Me That
Just a little rant because this honestly ruined my mood tonight.
May ilang users na nag-DM sa akin offering NSFW work after seeing my posts about offering my services. Nakakainis at nakakabastos lang kasi hindi naman iyon yung pinupuntahan ko dito. I’m here because I’m trying to find ways to earn habang nag-aaral.
Minsan napapaisip talaga ako na kung hindi lang ako pinanganak na may ASD, baka kaya ko sanang mag-part-time sa Jollibee or somewhere similar habang nag-aaral. (Hindi naman sa ayaw kong magtrabaho. Gusto ko talaga. Kaso kailangan ko ring isipin kung anong klaseng work yung kaya kong pagsabayin sa school at sa condition ko.) Kaya naghahanap ako ng ibang paraan para kumita na kaya kong i-balance with school.
And, hindi ba kayo nadidiri sa sarili ninyo?! Offering something like that to someone who is barely an adult, especially when you know na naghahanap lang sila ng paraan para makapagpatuloy sa pag-aaral? It feels like you’re taking advantage of someone’s difficult situation just because you think they might be vulnerable enough to say yes.
I’m already doing what I can. Nag-ooffer ako ng mga skills na kaya kong gawin, and I’m willing to work honestly. Hindi naman ako humihingi ng kung ano—gusto ko lang naman kumita in a decent way para makatulong sa sarili ko and continue my studies. Sana naman respetuhin din iyon.
Kaya please, kung may nakikita kayong nag-ooffer ng legitimate services, don’t assume na available sila for something else just because you can message them privately. 🙂