u/Theoneyourejected

Guys 30+, ok lang ba isumbong ang ugali ng GF ko sa parents nya?

Ilang beses na namin pinag-usapan yung ugali niya na masakit magsalita, at madalas sinasadya na niyang masaktan ako.

Naging verbally abusive na siya, at ngayon nag-away na kami. Gusto ko nang makipaghiwalay dahil sobra na.

Okay lang ba na magkwento ako sa parents niya tungkol dito? Iyon na kasi ang last na gusto kong i-try bago makipag-break.

reddit.com
u/Theoneyourejected — 2 days ago

One day, lahat ng “Bakit kaya?” — yung mga tanong na nakakapagod, nakakagulo sa isip, at minsan nakakapanghina.. magiging “Kaya pala!”

Yung mga bagay na akala mo random o biglaan pangyayari, biglang magkakaroon ng saysay. Yung mga “No” na natanggap mo, yung mga pagkakataong hindi natuloy, yung mga taong umalis, yung mga struggles na parang walang katapusan… lahat yan magiging pieces na magsasama-sama para makita mo yung mas malaking picture.

Parang puzzle na matagal mong binubuo. Habang iniikot-ikot mo yung pieces at nagtatanong ka ng “bakit ganito, bakit hindi ganyan,” bigla mong mapapansin: “Ah, kaya pala.”

Kaya keep asking. Keep wondering. Keep moving forward kahit hindi pa clear ang landas.

Darating din yung araw na titingin ka pabalik at mapapangiti ka na lang.

Kaya pala lahat yun.

Ingat ka dyan, ha? May purpose lahat.

u/Theoneyourejected — 2 months ago