UMALIS NA KO NG BAHAY DAHIL SA PARENTS KO
Problem/Goal: Sinabihan ako ng papa ko na "Ganyan talaga kapag walang laman ang utak" referring to me. Sinabi niya ito sa mama ko habang nag uusap sila. Hindi niya alam, nasa likod lang ako at narinig ko.
Context:
Kinomfront ko agad ang mama ko na bakit sinabihan ako ng Papa ko ng ganun, sabi niya lang "Biro lang yun".
Nag away kami ng mama ko kasi ang gusto ko lang naman marinig ay "Hayaan mo, pagsasabihan ko ang Papa mo." Pero iba ang sinabi ng Mama ko, maliit lang daw na bagay.
Sabi ko, "Nanghihintay ako ng sign kay Lord kasi nag dadalawang isip ako umalis dito sa bahay at kumuha ng apartment sa City. Ngayon parang eto na ang sign".
Sinumbatan ako ng Mama ko, "Kaya mo ba? Dahil lang dun aalis ka? Kami ang nagpa tibay ng loob mo at kami ang dahalin kung ano ka na ngayon".
Sagot ko, "Hindi ko deserve pag sabihan ng ganun ni Papa. Kahit anong dahilan, hindi dapat pagsalitaan ng ganyan ang anak. Sa Sunday aalis na ako dito habang may confidence pa akong natitira. Parang kasalanan ko pa na nag react ako sa ginawa ni Papa. Kung hindi ako makakarinig ng insulto sayo, kay Papa ako nakakarinig. Kung sanay ka na sa mga insulto ni Papa, pwes ako hindi. Ang totoong walang utak, eh yung may ibang babae at hindi nakukuntento sa asawa (referring to Papa)."
Aaktuhang hahagisan sana ako ng Mama ko ng pinggan dahil sa sinabi ko pero di niya tinuloy.
Nagligpit ako ng mga gamit at umalis ng hindi ko sila kinikibong dalawa. Pumupunta lang ako ng bahay every other day kasi pinapakain ko ang mga pusa kong naiwan sa bahay tapos alis agad. Hindi kami nagkikibuan.
1 week na akong hindi nakatira sa bahay. Ewan kung hanggang kelan ito.
OA ba ang naging reaction ko? Nasaktan lang kasi ako. I'm a working adult. Nagbibigay ng allowance sa kapatid. Nagbibigay sa bahay kahit papano. Mabuting anak naman ako. Hindi ko naman siguro deserve yun? Lahat ginagawa ko para sa kanila.
Nasaktan lang kasi kasi parang back stab ang dating sa akin, lalong lalo na nanggaling pa sa Tatay ko. Wala akong pakialam sa sinasabi ng ibang tao, pero masakit pala kapag sa kadugo mo nanggaling.
Naaalala ko pa sabi ng Papa ko noon "Dapat maging solid tayong pamilya, mag mahalan at mag tulungan, pamilya tayo." Pero kapag ginagawan ako ng masama ng mga kapatid niya tahimik lang naman siya, ni indi nagsasalita ng masama sa mga kapatid niya o kahit ei defend man lang ako"
Saan ang unity diyan? Nag memerienda pa nga silang dalawa ng kapatid niya na hindi ko sundo.
Mga kapatid niya ba, kaya niya ding pagsabihan ng walang utak?
Hindi ako galit sa kanilang dalawa. Nagtatampo lang ako. Kaunting galit siguro? Di ko alam.
By God's grace, naka survive naman ng 1 week.