Nagreport ako sa 8888 tungkol sa street parking dito sa barangay namin.
About a month and a half ago, nag report ako sa 8888 (addressed to Gabriel Go) about sa street parking dito sa barangay namin. Naka ilang report na kasi ako sa barangay hall at city hall pero walang nangyayari. Ngayon, it finally paid off. Kagagaling lang ng MMDA dito, ang daming na bigyan ng ticket at natow. I know it's temporary, mamaya maya lang magbabalikan na naman yung mga lintik na nakaparada sa kalsada, but it's nice to know na kapag nagreport ka, umaaksyon ang MMDA.
PS. Can't post the pics I took. Dito lang ako sa tapat ng gate namin nung piniktyuran ko yung mga MMDA habang nagro road clearing. Baka may makakitang kapitbahay, malaman nila sa anggulo nung mga picture na ako nagreport, balikan pa ko ng mga tukmol na to.