Dapat ba ako mag-change ng dentist?
Hello po! Ask lang po ako ng advice sa inyo guys.
May impacted wisdom teeth po ako and naghahanap po ako ng dentist na puwede bumunot. May pinuntahan po akong clinic for consultation and magaling naman po yung dentist. Marami po siya experience and maayos po siya gumawa.
Kaso lang po, medyo napahiya ako nung consultation 😭 Nag-cleaning po siya without asking me (buti nalang may extra money ako) and panay ulit po siya ng “Andami mong plaque!”, “Ang dirty ng teeth mo!”, habang nililinisan po ako. Yung pinaka napahiya po ako is nung tinanong niya if may jowa ako. Tapos sabi niya “Hulaan ko wala kasi puro plaque yung teeth mo.” Rinig na rinig po siya sa waiting room, buti nalang po nanay ko lang yung present. 😭
Medyo conflicted lang po ako kasi maayos naman talaga yung cleaning niya and lahat po ng questions ko sa wisdom teeth inaddress niya nang maayos, regular din po siya nagbubunot so alam niya ginagawa niya. Kaso lang po medyo insulting yung mga sinabi niya during cleaning.
:<