overcharged ba ako?

genuine question kasi first time ko lang mag grab with a baby. 4 adults kami and 1 infant. infant not a kid. pag sakay ko palang sa tabi ng driver he told me to pay for an extra 50 pesos dahil 5 pax kami not 4 pax sana raw 6 seater binook ko. i asked him if dahil ba may baby kaming kasama kahit karga naman sya then he said oo raw dahil tao raw ang pinag uusapan. pumayag na lang kami agad kasi umiiyak na rin yung baby at gusto na dumede. i paid in cash din buti na lang naka on yung recording ko sa grab and i hope na capture yon kasi di naka open sa phone ko yung grab app nung sinabi nya yon dahil nag siseatbelt palang ako nun. lmk sa mga may alam if na tama lang so driver or na overcharge ako para i rereport ko na lang sa grab in case, si driver ang mali.

reddit.com
u/disismyusername4ever — 8 days ago

frizzy hair after styling

i know may mga post na here abt anti frizz hair products but iba kasi yung case ko.

on a normal day, hindi frizzy ang hair ko. once gumamit ako ng mga hair tools, nagiging sobrang frizzy nya after. i like curling my hair pag aalis pero ending nagiging pangit dahil frizzy tignan. i can't deal with this anymore huhu last week meron kaming client presentation so nag handa ako maging presentable. nag thermal brush ako at nag rollers ako for 5 hrs tapos pasimula pa lang aang presentation, grabe yung pag ka frizzy nya na para akong sinabunutan :(((

i dont do treatment sa mga salon kasi okay nga ang hair ko unless gamitan ng hair tools. currently, shampoo ko ay dove restorative keme, conditioner ko yung bond repair and i also use hair mask same variant. i always use heat protectant whenever i use hair tools. nag hehair mousse rin ako but i dont use hair spray because i hate yung naninigas yung buhok tapos may chalky texture sya. could this be the reason?

di rin naman ako pala gamit ng hair tools. sobrang dalang lang parang once or thrice a month lang kasi di rin naman ako pala labas ng bahay at nag sstyle lang ako hair sa mga impt gala. pag kape kape lang dyan sa labas, hindi na.

reddit.com
u/disismyusername4ever — 2 months ago

mga kaibigan na mahilig mag cancel kelang huli na!!!!!!!!

pa vent kasi tangina ng mga kaibigan ko.

nag plan kaming friends ko na mag out of town this nov. whenever umaalis kami ng circle of friends ko na to palaging may toka toka kami. so, ako in charge sa itinerary. okay na tapos na ako and i asked them multiple times if sure na ba na tuloy kasi mag dadown na ako. i have high trust sa kanila because sobrang dami na naming travel together and never pa kami nag away away because of pera. so nag down ako at inabonohan ko muna because yung isa kakauwi lang from travel so 0 pa sya then yung isa naman kakabayad nya lang tuition ng kapatid nya kaya nag pa abono, then jowa nung isa kong friend nasunugan sila kaya wala rin pa sa ngayon. may extra naman ako so pumayag ako para wala na rin kami problemahin kasi nag chat sakin yung nakausap ko and nag send na may nag iinquire na sa kanya na tatamaan ung sa amin but he's letting us know kasi kami una nag inquire raw and for payment na lang kami kaya pinush ko na.

now, before mag bayad, nag sabi na sakin directly ung jowa ni friend na pass na sya kasi need nila mag ipon para makapag patayo ng bahay ulit which i understand naman. then nung nag ask ako sa gc namin if sure na ba silang dalawa kasi im about to pay na, umoo sila kaya i paid na last week. then tatawag sakin friend ko ngayong madaling araw para lang sabihin na di na pala sya makakasama kasi may iba na raw syang pag iipunan. im like whuut?????? syempre matic ung isa, si back out din. tangina.... i offer ko na lang daw sa iba kong friends and para mabayaran ako sa dinown ko. hindi biro yung 6k sa panahon ngayon. sinabi ko na pwede naman i resched basta wag i cancel kasi non refundable sya so ung isang nag cancel di raw nya sure kasi pag iipunan nya raw yung travel nila ng jowa nya rin lilibre nya raw... i was like 🤯 di na ako nag reply nag leave gc na lang ako and blocked them both sa lahat ng soc med. idk ano gagawin ko sa nabook na yan tsaka ko na problemahin kainis! 2 decades of friendship down the drain....

reddit.com
u/disismyusername4ever — 4 months ago

im finally debt free!!!

sobrang happy ko kasi tapos ko na bayarin ko sa cc (last month pa) and spaylater (today). 🥰 for the first time!! chineck ko yung spaylater ko to see if when ako nag start gamitin sya. pag kita ko, since oct 2022 until may 2026. walang palya yun, for 4 years buwan buwan akong may binabayaran kay shopee until nakikita ko na palaki ng palaki ung binabayaran ko at paliit ng paliit yung napapasok ko sa savings and EF ko. dun ako natauhan na etong pinangbabayad ko na to, extra money ko na sana to or malaking dagdag na sa ipon ko kundi lang ako impulsive buyer huhu. this year, 100% focus na ako sa pag iipon!! and told myself na if wala akong pang bayad ng gusto ko bilhin, hindi ko bibilhin. pwede ko gamitin ang cc ko pero dapat kaya kong bayaran agad right after ko bilhin. sobrang excited tuloy ako sumahod kasi after 4 years, mararamdaman ko na ang sahod ko 🥲

u/disismyusername4ever — 5 months ago