1 month na sila takot ako mawalay sakanila
Sa bawat araw na inaalagaan ko sila, napapamahal ako ng lubos sakanila pero kaylangan ko magsakripisyo na makahanap ng magmamahal sakanila dahil di naman ako financially stable. Kung mayaman lang ako iki keep ko sila kaso nagraraket lang ako at naka apartment. Bingi ako both ears at may ADHD at sarili ko lang meron ako. Sana mahanap ko yung tamang mag aalaga at magmamahal sakanila preferably yung may knowledge sa parvo, distemper, blood parasite, heartworm at maiiwas nila at yung may kaya sana talaga at di binabale wala kung magkasakit sila. Yun lang po wish ko.. Sana pumayag din sila na sumali sa gagawin kong gc sa fb kahit for update lang na pics habang lumalaki sila para makita ko sila pag namimiss ko sila
SHIHTZU X ASPIN po sila. Pinanindigan ko sila kasi di ko sya napa spay before. Nagka eclampsia (low blood calcium dahil sa pagpapadede) din sya muntik na mamatay buti dinala ko sa vet kahit maubusan ako kasi mahal na mahal ko sya.
May shihtzu po kasi yung friend ko at nakasama ko sya nung nakatira ako sa friend kaya napamahal ako sakanya at pumayag na sya ibenta sakin pero minsan gusto nya makasama kaya hinayaan ko sya dun tas dinala nya sakin nung nabuntis at malapit ng manganak dahil nabuntis daw ng aspin sa labas.. btw wala po sakin ang lahi basta napamahal lang sya sakin kasi kasama ko sya lagi. Wala po sa desisyon ko noon na mag alaga kasi di ako financially stable. Balak ko lang sana yun if ever na magka kaya ako sa buhay