i was called “walang silbing anak”
we had lost a family member recently lang sa side ni mama. that person is my uncle and he is very close to me (i called him ninong when i was a kid kase di ko kilala mga ninong/ninang ko).
we went sa first day ng burol niya then bumalik kami nila papa at kuya dito sa manila the same day din kasi may work and business kami na need i-handle. after namin makauwi ng bahay eh ilang oras din ang lumipas umiiyak pa rin ako (as in hagulgol siya). ngayon, si papa lumapit saken at nanghihingi ng pera kase gusto niya umuwi sa mindanao. i know naman na he misses his family there and even i, gusto ko rin makauwi siya but not at this time na namatayan nga sila mama. i am willing to give him a money naman pero wag naman sana yung naggrigrieve yung tao, umiiyak na eh sabay hirit ng hingi?
aminin ko naman na napagtaasan ko siya ng boses kasi yung utak ko nandon sa pagka-matay ni tito eh as in umiiyak ako ang overwhelming ng lahat at biglaan. after that sinabihan niya ako ng walang silbing anak which is nagpaiyak saken lalo. i feel like hindi niya naintindihan yung sitwasyon ko at that time. pero ako, alam kong namimiss niya yung family niya sa mindanao. if wala namang patay na nangyare magbibigay ako agad at kung wala lang akong dispute sa sahod eh kaya ko mag-abot ng malaki onti.
ngayon, hindi kami nagpapansinan pero nagpaparinig siya sa facebook na madamot daw akong anak. paano naging madamot eh kada hingi niya eh nagbibigay naman ako as long as meron akong pera.