24 weeks pregnant partner ko
Problem/Goal: 24 weeks pregnant na po partner ko pero hindi pa din visible yung tyan niya 4’10 po height niya and petite type po siya normal lang po ba to?
Context: hindi pa po kami nag papaultrasound nang partner ko kasi ayaw niya pa pero mag woworry na ako sa baby namin kasi parang hindi visible yung tyan niya unlike sa ibang tyan nang buntis na same weeks din samin. Normal po ba to kasi payat siya before and maliit lang siya na babae? Mag papa CAS naman na po kami ngayon katapusan. Pero nag pa consult na kami sa OB before and lahat nang need na vitamins is binili ko para sakanya. Pero hindi siya nakain nang mga masustansya pagkain. Dapat po ba ako mag alala?