Di ako pinapansin ni mama.
Nagagalit sya sakin ngayon, ako sinisisi nya kasi di makakapag enroll yung mga kapatid ko. Hinihingan nya kasi ako ng pera dahil enrollment nanaman. Sinabi ko na wala akong pera, which is totoo naman kasi wala nga talaga. Hindi na nga enough yung sahod ko sa mga bayarin ko kasi nakabukod na ko sa kanila. Tapos ngayon, ang gusto nya mangyari is mangutang ako. Eh pinaka ayoko kasi talaga yung mangutang kasi natatakot ako na baka hindi ko mabayaran saka wala rin naman ako mauutangan, so sinabi ko sa kanya. Sagot nya na sya naman daw magbabayad, pero sakin ipapangalan. Eh lalong ayoko kasi hindi sya nagbabayad ng utang nya talaga. Ngayon nga, ako yung tinatawagan ng mga OLA nya kasi di nya na binayaran.
Tapos last month nakatanggap sya ng malaking pera, enough yun to cover the tuition ng mga kapatid ko. Sinabihan ko na sya na magtabi sya dahil nga mageenrollment na. Ending, inubos nya lang sa mga luho nya. Walang napunta sa tuition kahit sa needs sa bahay. Saka on a monthly basis, may natatanggap syang pension plus salary pa nya. Ni-compute namin ng kapatid ko yung pumapasok na pera sa bahay plus yung mga ambag ko don on a monthly basis, sobrang enough talaga yung pumapasok to cover everything sa bahay tapos pang tuition pa. Kaya nagtataka talaga kami bakit ang dami nyang utang, di namin alam kung san napupunta yung pera.
Ang sama ba ng ugali ko kung naiinis ako sa nanay ko kasi sobrang irresponsible nya financially?