u/kikyou_oneesama

▲ 11 r/updiliman+1 crossposts

[UPD] Finding demand of courses in CRS

Eto ulit ako for another CRS tip for freshies. Paano malalaman kung ilan ang namili ng courses na pinili ninyo sa preenlistment?

  1. Go to the CRS page, hanapin yung Regular Classes tab sa baba. Click it.

  2. You are now at the CRS search page, pero Midyear Term 2026 ang nakalagay na term. Change it to First Semester AY 2026-2027.

  3. Search the course by typing the course na gusto nyong malaman dun sa Course Number (Example Kas 1). Di kelangan complete. Halimbawa gusto mo lang malaman lahat ng math courses na ino-offer for next semester. Pwede Math lang ilagay mo.

Ayan, malalaman mo kung ilan ang kaagaw mo sa slot.

reddit.com
u/kikyou_oneesama — 3 days ago
▲ 87 r/peyups

[UPD] CRS Tip for Freshies

Dahil apparently start na ng preenlistment, eto ang advice ko sa inyo: WAG MAG-ABANG NG 12 AM. Bakit?

  1. Hindi paunahan ang enlistment. You choose your desired subjects, tapos ira-raffle yan sa batch run kung sino ang makakakuha ng gusto nilang schedule. Someone who finished their schedule on July 1 has the same chances as someone who finished their schedule 5 minutes before the deadline.

  2. Hindi pa kumpleto ang available classes on July 1. Planning course offerings is an iterative process. It is very common na madagdagan ang classes after July 1. Meron ngang PE subjects na makikita mo na lang sa CRS ng 30 minutes before the deadline. Heck, kahit nga 1st day of classess magugulat ka na lang na may new section.

Ayun lang.

reddit.com
u/kikyou_oneesama — 7 days ago

Elaborate Scam na DSWD Ayuda Daw

Muntik na ma-scam ang nanay ko. And worse, recommended ng contact nya.

​

Nagsabi daw kapitbahay namin na ilalagay sya sa listahan ng makakatanggap ng ayuda ng DSWD. 8k daw ang matatanggap. Naabutan ko na kinakausap sya sa FB Messenger. It immediately raised red flags nung tinanong si mama kung mag-isa sya sa kwarto at walang biglang papasok para mang-istorbo sa usapan nila. So tumambay lang ako sa gilid para di ako nakikita ng caller.

​

Tinanong muna kung meron syan online banking. Tapos pinapa-screenshare kay mama yung screen ng phone nya. Tapos pinapabuksan sa kanya yung online banking. Pero dahil nanakawan na si mama before, nasa phone ko ang online banking nya at ako ang may access. Passbook lang ang hawak ni mama. Binaba muna ng caller yung phone.

​

Ayun na, nag-usap na kami ni mama at sinabihan sya na malamang scammer yung tumawag. Hindi sya naniwala kasi contact nya yung nag-refer dun. I pointed out na para mag-deposit sa account nya, ang kelangan lang ay pangalan at account number, hindi yung kung anu-anong pinagawa sa kanya during the call. Bumalik na ako sa kwarto ko after that.

​

Kinabukasan, nag-usap ulit kami ni mama at na-realize na nga rin nyang scam yun. Tumawag pa daw after kong umalis, pinapapunta sya sa bank at may pinapagawa. Di na nya in-elaborate kung ano yun.

​

I suspected na gusto ng caller makita kung magkano ang laman ng account nya, kung worth it bang nakawan. Screenshare pa more. Peste.

reddit.com
u/kikyou_oneesama — 15 days ago