me lang ba sobrang naiinis sa posts ni isko
Ewan ko if onti lang nabobother kasi marami natatawa sa recent posts niya, pero parang sobrang nakakabahala na ginagawa niyang joke time yung pagsuspend kesyo team atabs vs team nanay daw. Parang entertainment lang for him na maraming narisk ang safety under his leadership. Kumbaga tinatawanan lang niya mga nagagalit sa kanya kasi hindi big deal sa kanya. Dagdag mo pa yung sasabihin niya na it's not his fault dahil unpredictable daw yung weather.. is he okay? PAGASA found speechless nalang talaga. Saka 8am palang may areas na sa Manila na baha.
And sa mga parents na nag cocomment na papasukin na raw mga anak nila kasi sila nanaman daw teacher if sa bahay, what's wrong with you? Para bang hindi niyo nakita sa balita na thousands of college students ay nastranded sa mga univ nila nung Monday dahil until SHS lang suspension nung umaga. Tapos gusto niyo papasukin mga anak niyo na basic ed palang?
Sobrang kulang lang talaga sa compassion