Nasstress po ako sa nanay ng bf ko. 8 months preggy po ako ngayon.
Mga mommy, pa-vent out po.. nasstress ako sa nanay ng bf ko. Buntis po kasi ako 8 months na po ako ngayon.
Di kami kasal ni bf and may daughter po akong 4 years old sa unang partner ko..
Nagpost po ako sa ibang subreddit before tungkol sa problem ko sa bf ko and family nya.
https://www.reddit.com/r/MomSupportPH/s/B7IrVsngCq
Ito nga po, nagdebut po yung isang pinsan ng bf ko.. bilang pakikisama, pumunta po ako. Pero dahil 1 hour late ang bf ko dahil galing sa work, ako lang naiwan sa table. Ngayon, yung nanay ng bf ko, pinakilala na ako sa ibang mga kamaganak nila. Nung una ay okay pa po, kaya ko pa po. Kaso nung mga lumipas na ilang minuto, di pa rin sya tapos magpakilala sakin at sa magiging apo nya.. narinig ko pa nga po sa usapan nila na excited daw syang magalaga ng apo nya at kayang kaya pa kahit senior citizen na sya. Hindi na po talaga ako comfortable dahil bukod sa hawak sila nang hawak sa tyan ko ay masakit ang singit ko, ang bigat ng tyan ko, natatae pa ako.. tapos nagpa table - table pa kami. Sa bawat balik at upo ko sa table ko, mamaya lalapit sya sakin at sasabihin “Nak, tayo ka muna.. papakilala kita kay ganito ganyan”. Gusto ko na talaga magsungit mga mommy pero pinipigilan ko po talaga. Sobrang napepressure din po talaga ako dahil di ko naman kilala karamihan sa kanila. Sinabi ko kay bf ko na nastress ako sa mom nya, sabi lang nya na intindihin ko na lang daw and masanay na daw ako. 🥺
Dagdag ko na din sa kwento nitong Mother’s Day.. ang expect ko idedate ako ni bf, lalabas kami. Kaso ang ending ay sa bahay kami nagcelebrate kasama ang family nya. Masama loob ko kasi gusto ko sana kaming dalawa ang magdate, or kasama ko man lang sana daughter and mom ko for mother’s day. Nagusap kami na since dito na ako naglunch sa inyo, nagcelebrate ng Mom’s Day, inaya ko sya kung pwede bang sa amin na sya magdinner na kasama ang daughter and mom ko.. ang sagot nya “bakit kailangan ba 50/50?” Nasaktan ako sa response nya mga miii. 😢 Nung nagpapahatid na ako sa amin, sabi nya daan muna daw kami ng family nya sa puntod ng yumao nyang lola, ang ending 8 pm na ako nakauwi sa amin.