How to use my credit card? (Newbie)

Hello!

First time ko lang po magkaroon ng CC. Ask ko lang po kung tama po pagkaintindi ko sa mga nabasa ko.

First statement: October 16

Transactions before Oct. 16 + 21 days = Due date Nov. 6

Transactions after Oct. 16 to Nov. 16 + 21 days = Due date Dec. 7

Only use 30% or yung kayang bayaran sa total Credit Limit. Pay the outstanding balance after SOA. Always pay in full before the due date.

Thank you po sa sasagot!

reddit.com
u/notmynametosay — 6 days ago
▲ 1 r/skin

Can someone please help me find what this rash is?

Is it a ringworm or not? It's not itchy at all and I found it in my lower chest today.

u/notmynametosay — 2 months ago

Canon F789SGA V1

Hello po!

Last March 28, 2026 ko po binili sa Shopee National Bookstore para may discount. Ngayon po pinatimbang po sa amin ang calculator tapos po dapat approx 88 grams w/o cover pero 101 grams po ang weight nung sa akin. Di ko po alam kung magagamit pa ito sa araw po ng BE kung ganito po kalaki ang discrepancy. Paano po kaya ito?

reddit.com
u/notmynametosay — 3 months ago

⚠️ Ticks ⚠️ Chain's first update.

Hello po.

Thank you po sa lahat ng tumulong. Nakabili na po ako ng 2 NexGard at 1 Iron+ B Complex po. Napakain/inom narin po kay Chain ang first gamot po niya.

Sorry po sa di malinaw na picture. Ayaw po kasi nya ng may sobrang lapit sa kanya kapag kumakain at naalis po siya sa pwesto nya kada kain po niya. Sobrang thank you po talaga sa lahat ng tumulong at sana po gumaling na po agad si Chain.

Thank you po ulit!

u/notmynametosay — 5 months ago

⚠️Ticks⚠️ Update kay Chain

Hello po!

Ito po yung update kay Chain po. Nakabili na po ako ng 2 NexGard at 1 Iron+ B complex po na gamot. Sorry po kasi di ko po nakuhaan ng maayos na picture kasi po naalis po siya kada kain nya. Ayaw rin po kasi niya ng may taong lumalapit sa kaniya kapag nakain sya at sabi po ng Tita ko ay baka mangagat po pero mabait po talaga siya ganyan lang po talaga si Chain kapag nakain.

Promise po ia- Update ko po kayo. Sobrang thank you po sa lahat ng tumulong and sana po gumaling na po agad si Chain.

Thank you po ulit!

u/notmynametosay — 5 months ago
▲ 202 r/dogsofrph

⚠️ TICKS ⚠️ Stray dog need help po

Hello po!

Pasintabi po.

Need help po sana sa stray dog po na napadpad sa amin. Biglang sobrang dami po kasi ng ticks nya sa part ng head lalo na sa ears po niya. Malinis po sya nung naligaw sa amin then pinapasok po namin sya sa Compound/ adopt namin kaso po natakas po talaga pero napasok naman po siya kapag gusto po niya. Gusto lang po talaga nya sa kalsada buti nalang po dead end ang street namin at onti lang po ang nadaan na sasakyan aside sa mga nakatira dito.

Sabi po ng pinsan ko yung aso po ay galing sa kabilang street namin. Hinampas daw po ng tubo dahil nginatngat po niya yung water connection sa Manila Water pero DI po ako sure if yun po talaga ang nangyari.

2 times na po siyang napaliguan ng Tita at Pinsan ko para mawala yung ticks kaso parang nadami lang po. Ayaw rin po kasi nilang gumastos ng malaking pera aside sa paliguan pati yung spray at sabon na pang alis ng ticks na tira galing sa dati nilang aso.

Gusto ko man pong bumili ng NexGard kaso student pa lang po ako at di makaipon dahil sakto lang po at nahinto rin po ako sa survey apps na pinagkukuhaan ko. Natatakot din po akong bumili ng Nexguard o ibang gamot kaso sabi po nila may side effect daw po at baka sisihin din po ako sa amin if may nangyaring masama sa aso.

Sa ngayon po pinapakain ko po siya ng Special Dog tapos yung mga tita ko pinapakain rin siya ng kanin then sinabihan ko nalang po ng mga bawal.

Thank you po.

u/notmynametosay — 5 months ago