Bakit parang kung may kailangan sila, panganay palagi ang inaasahan? Anong silbi ng ibang anak?

Nakakapagod maging panganay!! Nakaka inis!! Kawawa ka talaga kung ikaw yung panganay tapos sa Pilipinas ka pinanganak. Kasi ikaw ang sasalo ng lahat ng responsibilidad!!! Papaaralin ka, sisikap ka para makaahon sa hirap at makatulong sa kanila. Pero sa huli ikaw na lang pala talaga ang aasahan sa lahat lahat!!!

Bills ng pangangailangan sa bahay sa'yo iaasa, pati groceries, pati utang nila iaasa sayo!!

Nagpa upgrade ng Wi-Fi noon, ni hindi man lang nakipag usap sakin bago mag decide na magpa upgrade. Nagulat na lang ako may signal cable na yung TV namin. Tapos ngayong magpapa downgrade, ikaw pa ang uutusan kumausap sa Hotline tapos ikaw pa sisihin. Aba eh di tong inames!! Nakakawalang gana talaga!!

Ni hindi na ako makapag bayad ng utang ko dahil sa inyo!!!!! Hindi ko mabili yung mga gusto ko!!!!

Tapos yung isang kapatid ko, parehas man lang kaming nagtatrabaho pero ni hindi pa aabot ng kalahati yung ambag sa bahay.

Isang sakong bigas na nga lang yung ambag, hati pa bayad sa Wi-Fi. May pera pa pang shoppee. Pero hinahayaan niyo lang!!

reddit.com
u/overthinker_950930 — 4 days ago

OA lang ba ako? Unti-unti na akong nawawalan ng interest sa Boyfriend ko because of some realizations.

I have been with my boyfriend (we're in our 30s) for almost three years now.

Overall, okay naman ang relationship namin. Wala naman kaming problema, pero lately, may nararamdaman akong uneasiness tungkol sa relationship namin. Napapaisip ako kung saan ba talaga kami patungo at kung magiging okay ba kami in the future.

A little background:

Whenever we are intimate, napapansin ko na madalas siyang maging rough, and sometimes, parang wala nang love or affection involved—parang sex na lang talaga. Dati, after namin maging intimate, he would carry me and give me aftercare. Pero lately, pagkatapos, kanya-kanya na lang kaming linis. Then kapag bumalik na kami sa bed para magpahinga, usually nagpo-phone siya at naglalaro ng games habang ako naman ang nagkukusa na yumakap sa kanya. Pero hindi ko naman nararamdaman na ganoon din ang affection na binibigay niya sa akin.

Kapag gusto niyang maging intimate ulit, especially for a second or third round, usually hinihintay niya na ako ang mag-initiate or gumawa ng paraan para ma-turn on siya.

Even in our everyday conversations, ako rin ang madalas na nag-iinitiate. Ako ang laging nagsesend ng “good morning,” nagtatanong kung kumusta siya during the day, at nagsasabi ng “goodnight” bago matulog. Kapag hindi ako agad nakakapag-reply or natatagalan akong mag-message, sasabihin lang niya na matulog na ako, tapos hihintayin niya pa rin na ako ang magsabi ng goodnight bago siya mag-goodnight sa akin.

Minsan, after he reached climax, mananatili lang siya sa ibabaw ko without saying anything affectionate or giving me any caresses. And honestly, those little things have started to make me feel emotionally disconnected from him.

I've been submissive to him pero parang napapadalas na din ang pagiging dominant niya, nung una i treated him with facial care because he's bothered about his pimples, now he always request it whenever he's around. I already told him to do a facial care routine by himself pero wala. Lahat ng advises ko hindi niya tinutupad. Even exercise. Pero ako, kapag hindi nakapag exercise, may masasabi about sa body ko.

May mga klase ng affection, passion, gentleness, trust, repect and emotional connection na hinahanap-hanap ko. Gusto kong maramdaman na hindi lang ako desired physically, but also loved, cared for, and emotionally connected with. And lately, napapaisip ako kung mararanasan ko pa ba talaga lahat ng iyon with him.

I'm beginning to think na baka kailangan ko muna ng time apart, or kahit kaunting space lang para makahinga, makapag-isip, at mahanap ulit ang peace of mind ko.

I can admit na minsan, I find some of his behavior immature. Pero more than anything, gusto kong mag-reflect siya sa sarili niya—sa attitude niya, sa behavior niya, at sa paraan ng pakikitungo niya sa akin.

Gusto kong maintindihan niya kung ano talaga ang nararamdaman ko. Hindi naman dahil gusto ko siyang baguhin completely, but because I want him to realize na may epekto sa akin ang mga ginagawa at ipinapakita niya.

I still care about him. Mahal ko pa rin siya. Pero I'm starting to question whether love alone is enough kapag hindi ko na nararamdaman yung emotional connection, care, affection, and desire na kailangan ko.

reddit.com
u/overthinker_950930 — 5 days ago

I'm learning to lie to my mother for the sake of myself and my future

​

Recently, I got a job that pays well and has good benefits and bonuses (not that much but enoughto sustain the needs). But this is also the time that I have to lie to my mother about my salary and other benefits because she relies on me. Ako na kasi yung breadwinner since our padre de pamilya decided to stop giving us financial support kasi matanda na daw kami ng kapatid ko (my younger brother works as well, but helps a little). He passed unto us the responsibilities of being a provider.

Background:

Months ago, our father provided my mother a capital for a small business. Yung sa bahay lang siya at maliit lang naman yung kita. Unfortunately, I don't know kung anong pumasok sa isip ng nanay ko, naging irresponsible sa paggamit ng pera. Some of it pinautang (pero di na siya nabayaran, and she spends a lot on shoppee orders). hindi niya man sinasabi pero obvious kasi maraming parcel na dumadating.

Not until one day she cried in front of me, malaki daw yung problema niya kasi nalulong siya sa utang. She needs help. Ako naman I was hurt to see my mother cry. Yung perang pinadala naman ng papa namin for a renovation ng bahay na sa akin pina incharge, nabigay ko na rin sa kanya. Binigyan ko din siya ng pera through another loan na naman kahit maraming utang din akong binabayaran (malaki din ang nautang ko through loans and most of it sa expenses sa bahay din napupunta). She even got a help on my brother, nagkautang din ang brother ko para lang mabayaran niya yung utang niya. But that was still not enough. May natitira pa rin siyang utang na malaki. She even mentioned a 100k (Yung naging ugat ng utang niya is yung mga hindi legit na lending apps na nadownload sa playstore) sobrang laki ng interest, umutang ng umutang sa iba't ibang apps para mabayaran yung unang utang hanggang sa lumobo na). I was shocked.

Napaisip na ako na I'm going to lie about my finance sa kanya kasi kung sasabihin ko lahat lahat, aasa talaga siya sa akin. Paiyak iyak pa siya na naawa na daw siya sa aming magkakapatid. Pero di niya naisip sa una pa lang ang mga nagawa niyang pagwaldas ng pera. Tsk.

I'm sorry ma. Pero sana maintindihan mo ako. Gusto ko naman ma secure ang future ko at magkaroon din ng sarili kong pamilya. I want you to face the consequences of your action. Make it the biggest lesson to learn about finances. I will limit myself to your wants and needs. Kasi ako pa din ang mahihirapan kahit hirap na hirap na talaga ako. Hindi naman talaga kalakihan yung salary ko. Pero sana huwag ka ring umasa.

reddit.com
u/overthinker_950930 — 1 month ago

Ma! Ba't mo kasi pinasukan yan?! Anong ginawa mo sa pera?!

Ma naman kase, kung may problema ka sa pera, magsabi ka naman!!!!! Hindi yung dadagdagan mo pa!!! Ba't kasi pumasok ka sa mga hindi legit na lending apps na nada-download lang sa playstore?! Hindi ka man lang nagtanong or nag research kung legit ba yung mga ganyan. Ngayon, iyak ka ng iyak kasi hina hack contacts mo at pinag cocontact sila regarding sa utang mo sa kanila na hindi mo na kayang bayaran kasi ang laki ng interest! My gad!!! Ba't hindi mo yun naisip!!!!!! Nagkakautang na nga ako para sa mga expenses at bayaran sa bahay. Alam mo yun!!!!! Tapos pumasok ka pa dyan?! Syempre ako na naman aasahan mong magbabayad!!!!! Sabagay parang di ka naman talaga naawa sakin. Parang ginawa niyo din akong retirement plan eh. Ako na ang breadwinner ng pamilya. Tapos kung kelan mag dedesisyon ako sa sarili kong interest, magagalit kayo. So ano na ngayon?!!!! Aaaaaaahhhhhh.

reddit.com
u/overthinker_950930 — 2 months ago