Should I invest 7-8k per month to unlock channel manager feature for my PMS?
Sa ngayon, ang app ko nakikipag-compete pa sa whiteboard at notebooks ng mga small hotels para sa booking management. Aminado ako na hindi ito yung main problem na gusto kong i-solve, kasi parang “vitamin” lang yung dating ng solution.
Ang talagang gusto kong buuin is channel manager. Yung automatic mag-sync ng bookings across Agoda, Booking.com, Airbnb, etc. Kasi firsthand ko na-experience yung sakit ng double bookings dahil may guesthouse din kami. Habang dumadami yung OTAs na sinalihan, mas nagiging magulo kapag manual lahat.
Ang problema, hindi basta-basta nakakakuha ng direct partnership sa mga OTAs. Kailangan dumaan sa third-party API providers, at nasa around ₱7k–₱8k/month yung cost.
Nag-ask ako ng advice kay ChatGPT, tapos sabi niya kailangan ko muna i-validate kung may willing talagang magbayad bago ko ituloy. Gets ko naman yung point. Pero sa experience ko rin, hindi reliable ang “interested ako” ng property owners. Marami nagsasabing gusto nila, pero iba pa rin kapag oras na mag-subscribe.
Ngayon, iniisip ko kung worth it bang i-risk yung monthly cost para makapag-launch agad. Based sa pricing ko, kailangan ko ng at least 4 paying customers para ma-break even sa API cost pa lang.
Kung kayo nasa position ko, itutuloy niyo ba agad?
Sa mga curious, eto ang PMS ko: https://www.gooverbooked.com/