9 days to go before the August PNLE

August 2026 PNLE taker here. Normal ba na hindi pa nagsisink in yung kaba? Mas lamang yung pagbrebreakdown ko kesa sa kaba. I don’t know if namanhid na ako pero hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko 🥹 (ambivalence).

Aaminin ko — hindi rin ako masyadong nakakapagreview. Umaattend ako ng review classes everyday. I take the exams. But beyond that? Hindi pa ako naglolock in and I don’t know how to. Kada tingin ko sa notes and test papers ko, parang napapangunahan na ako ng pagod. Naburnout na ako sa review matagal na and di ko alam paano makabangon.

Sa mga kapwa ko PNLE takers, kumusta kayo? Anong strategies nyo sa pagrereview?

Sa mga PNLE passers, may tips po ba kayo and pwede pabasbas?

Umiyak na ako kanina habang nagnonovena hahahaha pero laban lang. RN 2026 🤍🩷

reddit.com
u/shanawarma — 1 day ago
▲ 5 r/utangPH+1 crossposts

Overdue Loans in SPayLater and SLoan

Hi guys! Alam ko I posted a few months ago that I was finally debt-free but I guess life has some cruel tricks up its sleeve.

Nagkaroon kasi kami ng medical emergency last March and I had to borrow money from SLoan and GLoan. Yung GLoan, nababayaran ko on-time dahil almost 800 lang sya every month. The problem is SLoan and SPayLater na as of now, 2 months ko nang hindi nababayaran. Total loan ko sa SLoan na need ipay for this month is almost 3,500 Php while sa SPayLater for this month: 2,000.89 Php. The entire loan for SLoan is 10,000 Php and every month, need ko maghulog ng 1,626 Php dun. Sa SPayLater naman, hanggang November na lang sana eh kasi almost 5,000 Php lang sya.

Mapagbiro talaga ang tadhana kasi just when I was thinking of paying with extra cash, biglang nagkamedical emergency and nastroke ang Tita ko. Nakiusap agad sa akin ang Mama ko na magpadala ng 3k (na dapat ipangbabayad ko sa SPayLater).

Guys, pasensya na ha. Hindi naman ito yung first time na nalate ako due to my financial constraints pero nagmute na talaga ako ng calls. Nakablock yung pagriring sa akin ng unknown numbers and nakablock din yung mga nagtetext so hindi ko na siya narereceive at all. Student pa lang kasi ako ngayon and ang dami talagang nasa plate ko rn kasi nagproprocess din ako ng important documents. Mageescalate kaya sila to my contacts? Sana hindi naman :(( basta nakaluwag luwag by August-September (tight ang budget hanggang July), magbabayad naman ako. Hindi lang talaga kaya ngayon. Naghohouse visit po ba sila? Thank you so much po sa mga sasagot nang maayos!

reddit.com
u/shanawarma — 2 months ago