OA lang ba ako kung negative feeling para sa akin yung hindi ako sinama sa isang part ng family group photoshot?
Nagkaroon ng photoshoot sa side ni misis. Sa family nila, si misis lang may asawa at mga anak. Yung mga kapatid niya may mga anak na at mga syota.
Dumating yung shot na family group na kaya kasama dun mga parents-in-law ko, misis ko at mga kapatid niya, at lahat ng mga apo. Hindi ko alam bakit hindi ako tinawag ng photographer or kung dapat sinama ako dun sa part na yun. Kaya ang hindi sinama ay ako at syota ng isang kapatid ni misis.
Ngayon, may alam ba kayo na family photo portrait na hindi kasama yung mga asawa (kahit andun naman sa location, hindi yung nasa overseas or absent) or OA lang ba ako?