OA lang ba ako if magFO kami ng friend ko dahil sa palibre jokes?
Nagmigrate ako sa US 6 months ago. Yung friend ko naghihintay nalang din ng work visa. Siguro next year andito na din sya. Bawat usap namin lagi syang nagjojoke ng palibre or padala ng pera. Minsan nga parang di na joke eh. Di naman nya kelangan kasi nung nasa Pinas pako mas mapera pa sya ng di hamak kesa sakin. One time nagpapalibre ng pagkain so nagpadala ako ng 2k pesos. Tapos mula nung mas lumala na yung “jokes” nya na palibre/padala ng pera. Send ng seng ng gcash number nya. Syempre tumatanggi nako pero lately naiinis na ako. Gets ko naman malaki na sahod ko dito pero ang annoying lang na parang bawat usap namin (1-2x a week) eh laging may kasunod na pahingi ng pera. OA lang ba ako?
EDIT: Yes kinausap ko na sya before. Saka close kami, alam nya financial struggles ko since Pinas palang. Inutang ko pa nga sa pinsan ko yung flight ticket ko pa-US eh. Tapos ngayon nakita nya nakakaluwag luwag nako. Di nya kelangan ng pera. Mayaman sila. Gusto lang nya magpalibre kasi malaki na daw sweldo ko. Also NEVER ako nagpalibre or nangutang sakanya sa Pinas so I don’t owe her anything.