
8 Illegal Reclamation sa Taguig Natumbok
Medyo tahimik sila ngayon noh? Dati halos araw-araw nakikita kong news post o live ng magkapatid.
Ngayon halos di mo maramdaman at di na sila masyado takaw pansin sa Impeachment trial.

Medyo tahimik sila ngayon noh? Dati halos araw-araw nakikita kong news post o live ng magkapatid.
Ngayon halos di mo maramdaman at di na sila masyado takaw pansin sa Impeachment trial.
Hindi ko kabisado ang mga lugar na pinost nila pero sure ako sa Bayani Road hindi yan yung Flood Prone area. Mas nagbabaha dun sa ilalim ng Tunnel at dun sa paahon ng AFPOVAI. Sana yun ang pinicturan kung hindi talaga bumaha dun.
Kayo kung napapadaan o nakadaan kayo sa mga lugar na yan bahain ba talaga yung mga nasa pictures? Kung hindi saang parte dapat ang napicturan?
Inedit na ata yung post nito sa FB kasi di na kita na minura niya yung Taguig.
Pero kung mabasa mo man to, kahit ako mapapamura sa serbisyo nila. Sa illegal parking palang na di nila inaaksyunan katapat pa ng mga Barangay Hall, Multi-purpose hall, yung iba tapat ng bahay ng Brgy Captain, Councilor at iba pa... Wala man lang ginagawa... Mapapamura ka talaga.
Yang mga illegal parking na yan isang cause ng traffic dito sa Taguig. At kapag emergency laking sagabal ng mga yan.
Nanonood kasi ako ngayon kay Christian Esguerra nabanggit nga niya na parang tahimik itong Senadora after ng issue niyang Splice Video. Parang nagkalimutan nga, nagpapalamig lang???
Noong nakaraang buwan lang may sinuspendeng Atty. Falcis. Eh ito lantaran while ongoing yung kaso nag-edit ng video, pinost pa sa sariling FB page para mapanood ng maraming tao.
Ganun talaga siguro ka-selective dito satin noh? Kapag simpleng tao o simpleng professional ka, dadalihin ka agad pag nagkamali ka. Pero kapag Cayetano ka, behave lang ang mga tulad ng Supreme Court. Cayetano yan e.
Parang mga official dito sa Taguig, sipsip sa kapangyarihan.
Sana madamay ang mga dapat madamay kahit anong position nila sa Gobyerno ng Taguig. Kung tiwali ka dapat ka managot lalo na kung sipsip ka sa mga Cayetano para manatili ka sa pwesto.
Totoo naman nasa Top 3 ang Flood Control Budget ng Taguig pero hindi naman napapansin dati. Ngayon lang pinansin ng todo kasi sobrang ingay ng mga Cayetano. Bawat session o hearing sa nagdaang buwan sa senado papansin e.
Tsaka by the way yung mga nagda-downvote sakin noon, hindi ko ramdam sa mga last 3 posts ko dito. Bakit kaya? I hope natatauhan na tayo.
Let's go!
Humiling na ng cease-fire daw. Kaso ayaw na paawat nitong isa.
Sa mga nakakaalam diyan, pabulong naman dito. Di naman lalabas names niyo e. Confirm lang natin kung syang tunay.
Kabahan na ang mga dapat kabahan.
Sarap sana mag-mura kaso baka ma-delete.
Oh yung mga Cayetano Supporter na laging nata-traffic, ngayon niyo ipagtanggol tong mga to. Mag-comment kayo dito.
Kapag tayo nata-traffic, depende pa sa work natin ano nangyayari?
- may kaltas
- may masasabi pa sayo boss o mga katrabaho mo
- pagod ka pa
- kapag umulan pa, basang basa lalo kung walang sasakyan
Kapag mga CAYETANO
- pa-adjust naman natin schedule
- may kaltas ba yung mga 300K sahod? (Pwera pa yung nabubulsa)
- pagod ba sila? (May mga sariling sasakyan at driver yan)
Eh kung ikaw tanggap mo yung ganyan. Kagustuhan mo yan, tiisin mong winawalanghiya ng namumuno sayo.
Noon TSINADOR - Parehong Cayetano kasali.
Ngayon SENATROLL - Halos parehong Cayetano uli, yung isa sa FB live, yung isang editor ng video.
Ganito ang gusto nating leader?
Ganito ang gusto nating ginagaya ng mga anak natin?
Ganito ang gusto nating tularan ng mga scholar ng Taguig?
Okay lang mag-post ng mga video clips with context. Pero posting short clips na pabor sa isang kampo at post pa ng isang Senator Judge, napakawalanghiya.
I reported the video. It's up to you if you support this kind of person.
Yung mga arko talaga duda akong kapiranggot na budget lang ginamit diyan e. Feeling ko talaga may kurapsyon din diyan sa mga walang kwentang arko na yan.
Para sayo ano ang isa sa pinakawalang kwentang proyekto sa Taguig?
Edit: Sorry typo sa title.
Sino kayang mga mapapangalanan?
Kapag ako yan makikisali ako sa imbestigasyon kesa magmatigas ako na himod sa paa ng nakaupo. Kung ako lang yun ah.
May masasampolan na talaga.
Sino kaya tong mga Taguig City Engineers na to? Masampolan na lahat ng dapat masampolan sa Taguig.
Let's go Ping!
Kung di flood control, Sea Games... Ano pa kayang pwedeng masilip sa kanila???
Medyo parang kinabahan kasi explain agad sa hearing today. Wala pa naman sinasabing pangalan.
Yung mga sumusuporta kaya sa mga to hindi kinakabahan? Talagang solid supporter kayo kahit magkalaglagan na?
Tanong lang naman tong mga to.
May mga punto naman silang mapapa-agree kahit kaunti 🤏
Pero parang lagi na lang sila may sasabihin na di ko malaman. Yung ibang Senator Judge tahimik naman sa simula at gitna ng hearing. Pero itong dalawa nagsisimula palang at kalagitnaan ang dami na sinasabi.
Yan lang naman napapansin ko for the past 2 days ng impeachment trial.
Kayo ano tingin niyo?