Owner-supplied materials for renovation ko
Good evening, hingi lang sana ako ng advice/tips from your experience. May ipaparenovate akong townhouse. I’m leaning towards supplying most of the materials para 1. Makasave 2. Maximize credit card (cc) with low interest.
Gusto ko sana magset ng clear expectations since first time ko din:
• Ordering and delivery:May napagtanungan na akong hardware na tumatanggap ng cc payment. Do you advice na inspeksyunin ng personal ang mga oorderin na materyales? Nagooffer sila ng quotation kaya pwedeng online ang transaction. Pero wala rin kasi akong alam sa materyales pero pwede magtanong sa kakilala.
As for delivery, paano masisigurado na madedeliver ang mga materyales on time? Kailangan ba mag-order months/weeks or pwedeng days in advance? Kailangan ba na may available magbilang ng materyales bawat delivery o pwedeng gawing sakop na ito ng contractor?
• Storage: Paano ihandle ito? Inaanticipate ko na bulk kadalasan ang magiging order pero baka merong mga materyales na isasabay kasi gagamitin din kinabukasan. Baka may mashare kayo from experience.
• Tanong ko na rin, sa BOM kasi na sinend sa akin andun na ang labor cost. Ibig bang sabihin ng ganito, yung contractor na rin ang bahalang magbayad sa nga workers? O owner ba kadalasan naghahandle ng ganito?
Excited akong mabasa ang comments ninyo. Maraming salamat po!